close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang lehislatura ng Taiwan ay nagkakaisang pumasa sa paunang kasunduan ng Taiwan-US trade deal

  • 30 July, 2023
  • 呂曉倩
Ang lehislatura ng Taiwan ay nagkakaisang pumasa sa paunang kasunduan ng Taiwan-US trade deal
Photo CNA

Ang lehislatura ng Taiwan ay nagkakaisang nagpasa sa paunang kasunduan sa ilalim ng Taiwan-U.S. 21st Century Trade Initiative noong July 26. Ang trade deal ay ang pinakakomprehensibong trade agreement na nilagdaan ng Taiwan at U.S. mula noong 1979.

Ang paunang kasunduan ay sumasaklaw sa limang isyu kabilang ang customs clearance at trade facilitation, anti-corruption, at mas mataas na kooperasyon sa pagitan ng Taiwan at U.S. small and medium-sized enterprises.

Ayon sa cross-agency assessment ng Gabinete, ang paglagda sa kasunduan ay hihikayat sa ibang mga bansa na sundan ang katulad na ruta sa pakikipagnegosasyon sa Taiwan. Sinasabi rin nito na ang kasunduan ay makakatulong na isulong ang pagbuo ng karagdagang mga kasunduan sa malayang kalakalan sa pagitan ng Taiwan at mga bansa lalo na sa rehiyon ng Asia-Pacific.

Sinabi ng opisina ng negosasyong pangkalakalan ng gabinete na ang Taiwan at ang U.S. ay nasa negosasyon pa rin sa natitirang pitong isyu, kabilang ang kapaligiran, paggawa, at mga regulasyon.

Comments

Latest Newsmore