close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mayroong 13 tax-free households na may taunang kita ng mahigit 5 million. Sinusuri ng National Tax Bureau kung ito’y legal at tax-saving

  • 03 August, 2023
  • 汪馬雪莉
Mayroong 13 tax-free households na may taunang kita ng mahigit 5 million. Sinusuri ng National Tax Bureau kung ito’y legal at tax-saving
Photo: CNA

Ayon sa pinakabagong statistics ng Ministry of Finance, noong 2021, mayroong 13 taxpayers na may kabuoang comprehensive income na mahigit NT$5 milyon. Gamit ang iba’t ibang tax-saving methods, hindi na sila maaaring magbayad ng 10 cents ng comprehensive income tax. Sa kanila, may 2 pang households na may taunang kitang mahigit NT$20 milyon.

Ayon sa pinakabagong labas na "Comprehensive Income Tax Declaration Preliminary Approved Statistical Booklet", sa 6,441,966 declaration households, mayroong 3.05 milyong households ang may zero net income at tax exemptions, kasama na rito ang mga ordinaryong mamamayang sumesweldo o mga low-income earners. Subalit, may 13 households ang may taunang kita na mahigit 5 milyong yuan.

Kasama rito ang 5 households na may kabuoang comprehensive income na 5 milyong hanggang 7 milyong yuan, 4 na households na may kabuoang comprehensive income na 7 milyong hanggang 10 milyong yuan, 2 households na may kabuoang comprehensive income na 10 milyong hanggang 20 milyong yuan, at 2 households na may kabuoang comprehensive income na mahigit 20 milyong yuan. Mayroong 260 households na ang net income ay “zero” kung ang kita ay mahigit na sampung libong yuan.

Ang formula sa pagkompyut ng comprehensive income tax payable ay "net comprehensive income X applicable tax rate - progressive difference". Ito ay kung ang kabuoang halaga ng tax exemptions at iba pang ibinabawas ay may mataas sa comprehensive income amount, ang net income ay magiging “zero”.

Sa mga kasong ang comprehensive income ay mataas at ang final net taxable income ay “zero”, ang State Taxation Bureau ng bawat distrito ay regular na magche-check at magre-review ng tax exemption, iba bang deductions, at enumerated deductions upang matukoy kung ito ay “zero”.

Ayon sa mga regulasyon, ang iba’t ibang deductions at exemptions ng mga taxpayers ay maaaring ibawas sa pagkokompyut ng buwis, lalu na ang mga medical expenses at donation deductions, na karaniwang ginagamit ng mga nasa top group ng pyramid upang makatipid sa tax.

Comments

Latest Newsmore