close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Kinansela ng Ministry of Finance ang kabuoang 1.376 Bilyon yuan ngayong taon matapos ang expiration ng tax recovery period

  • 03 August, 2023
  • 汪馬雪莉
Kinansela ng Ministry of Finance ang kabuoang 1.376 Bilyon yuan ngayong taon matapos ang expiration ng tax recovery period
Photo: CNA

Ipinahayag ng Ministry of Finance ang listahan ng mga major taxpayers, at maraming pamilyar na mukha ang nasa listahan. Sa mga individual households, walang kakaiba sa pamilya ng late stock market celebrity Huang Renzhong na patuloy na nangunguna, at may kabuoang tax arrears na NT$3.34 bilyon; ayon sa statistics ng Ministry of Finance, may kabuoang 16 na kaso na nakansela ngayong taon nang ma-expire ang tax recovery period, at ang kabuoang halaga ng tax arrears ay nakansela ng tinatayang 1.376 bilyong yuan.
Ipinahayag ng Ministry of Finance at iba’t ibang tax collection agencies ang mga kaso ng major tax arrears (naipong tax arrears ng mga indibidwal na mahigit 10 milyong yuan and naipong tax arrears ng mga profit-making enterprises na higit 50 milyong yuan) ayon sa mga panuntunan. Kumapara sa announcement data ng nakaraang taon, ang bilang ng mga kaso ay bumaba ng 26 at ang halaga ay bumaba ng 4.312 bilyong yuan.

Ayon sa binagong batas ng 2007, ang “execution period” ng tax recovery ay malinaw na nakasaad na hanggang 10 taon dagdag ang “collection period” na 5 taon. Sa madaling sabi, ang maximum tax recovery period ay 15 taon.

Sinabi ng mga opisyal ng Ministry of Finance na ang pagbaba ng bilang at halaga ng mga kaso ngayon ay bunga ng pagkakansela ng ilang kaso na nailipat ang pagpapatupad pagkatapos ang March 5, 2007, at ang pagpapatupad at panahon ng koleksyon ay lumagpas ng 15 taon; ay unti unting tataas. Halimbawa, sa kaso ni Huang Ruogu, ang anak ni Huang Renzhoung, ang estate tax na utang kasama ang penalty ng mahigit 1.9 bilyong yuan ay hindi kasama sa listahan ng mga major tax arrears noong nakaraang taon dahil ang tax recovery period ay lumagpas na.

Kung titingnan at listahan ng mga malalaking tax-paying household ngayong taon, ang top 3 individual households ay hindi nagbago; patuloy na nangunguna si Huang Renzhoung na may kabuoang 1.918 bilyong yuan sa arrears ng comprehensive income tax kasama ang mga penalty, sumunod ang Kaohsiung Huang Chengzhi’s family na may utang na 1.503 bilyong yuan ng comprehensive income tax at inheritance tax. Sa ikatlong antas ay si Xia Huang Xinping, kapatid ni Huang Renzhoung na may utang na 1.254 bilyong yuan ng comprehensive income taxes.

Sa katunayan, nanatili sa listahan ng mga major tax arrears cases ng mahabang taon ang pamilya ni Huang Renzhong. Yumaman siya dahil sa electronics industry, namuhunan sa finance, real estate, at stocks, at nagbenta ng shares ng Far Eastern Airlines na nabili niya ng mababang halaga noong unang bahagi ng 1995, ang kanyang mga assets ay lumaki na siyang naging dahilan upang makilala siya sa stock market.

Namatay si Huang Renzhoung noong 2004 at pinas an ang mahigit na 2.2 bilyong yuan sa tax arrears. Isa sa mga dahilan ay ang proseso ng pagbebenta ng Far Eastern Airlines shares at ang pagkakasangkot sa ilang related tax arrears cases. Sa pinakabagong listahan, ang pamilya ni Huang Renzhoung, kasama siya at dalawang kapatid na babae ay may utang na humigit-kumulang na 3.34 bilyong yuan tax.

Para naman sa malalaking corporate tax owners sa kasalukuyan, ang Plaza Hotel ay may utang na higit-kumulang na 2.4 bilyong yuan ng income tax, business tax, house tax at land value tax, at patuloy sa unang antas; subalit ang Yanghua Technology na nasa ikalawa noong nakaraang taon ay nawala sa top three bunga ng transfer of execution. May agwat sa pagitan ng halaga ng false purchases at false sales na nakita noon at ang halagang nahusgahan, kung kaya’t ito ay muling naaprubahan ang nahawakan ayon sa desisyon ng korte.

Kung ikukumpara ang listahan ng tax arrears noong nakaraang taon at ngayong taon, ang kabuoang taxes na inutang at iminulta ng Yanghua Technology noong nakaraang taon ay nasa 1.237 bilyong yuan, at ang halagang ipinahayag ngayong taon ay dagling bumaba ng 189 milyong yuan.

Ang ikalawa at ikatlong pinakamalalaking corporate tax owners ngayong taon. Kahit na nagbago ang mga ranggo, sila pa rin ang mga nasa listahan 1.152 bilyong yuan.
Binigyang-diin ng Ministry of Finance na ang paglilinis ng tax arrears ang isa sa mga pangunahing tungkulin ng mga tax collection agencies. Bilang karagdagan sa pag-aanunsyo ng mga pangunahing tax arrear cases upang pilitin ang mga taxpayers na magbayad ng kanilang obligasyon sa buwis ayon sa batas, nagtatag din sila ng mga cooperation mechanism sa Ministry of Justice upang mapalakas ang contact at coordination at agad na maimbestigahan ang mga pag-aari ng mga taxpayers na pwedeng makuha at upang agad itong mapadala sa mga administrative enforcement agency.

Sinabi rin ng Ministry of Finance na aktibo nilang iimbestigahan ang trend ng mga taxpayers na may kakayahan namang magbayad pero sadyang itinatago ang kanilang mga ari-arian, at magbigay ng mga nararapat na impormasyon sa administrative enforcement agency para sa  reference at makiisa sa administrative enforcement agency upang arestuhin ang mga may utang sa buwis.

Comments

Latest Newsmore