close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang mga Taiwanese at vietnamese travel operators ay magkasamang nagpromote ng Chartered flights sa Kaoshiung

  • 13 August, 2023
  • 何薇薇
Ang mga Taiwanese at vietnamese travel operators ay magkasamang nagpromote ng Chartered flights sa Kaoshiung
Noong ika-7, Vietnam tourism and Kaohsiung tourism ay maglunsad ng charter flight itinerary. (photo:CNA

Sa pagkalipas ng epidemya, unti-unting ipinagpatuloy ng iba't ibang airlines ang mga flight papuntang Kaohsiung.Ayon sa Kaohsiung Tourism Bureau, ang mga flights sa Kaohsiung International Airport ay nagpatuloy ng halos 60% kumpara sa bago pa lang ang epidemya. Noong ika-7ng Agosto isang Vietnamese tourism operator ang pumirma ng kontrata sa isang Kaohsiung operator para maglunsad ng charter flight itinerary, umaasa na ang dalawang lugar ay magpapadala ng mga turista sa isa't isa para sa pamamasyal.

Ang Kaohsiung City Tourism Bureau kamakailan ay naglabas ng istatistikal na data. Noong Hulyo ngayong taon, ang Kaohsiung Airport ay nagpatuloy ng 20 destinasyon at 214 na flight bawat linggo, humigit-kumulang 60% ng mga orihinal na flight bago ang epidemya ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

Ang Tourism Bureau ay nagpahayag sa pamamagitan ng isang press release na bukod sa pagpunta sa Singapore at Malaysia para sa promosyon, ito ay patuloy na tumutok sa marketing sa Japan, South Korea, at Southeast Asia sa hinaharap; .

Nilagdaan ng Crystal Bay Group at Vietjet Air ang unang direktang charter flight contract. Ito ay nakatakdang umalis mula sa Kaohsiung sa Oktubre 18. Magkakaroon ng tatlong flight bawat linggo (Miyerkules, Biyernes, at Linggo) mula Kaohsiung papuntang Cam Ranh Airport sa Vietnam na may 2.5 hours lang ang byahe.

Comments

Latest Newsmore