Kamakailan ay bumalik sa Taiwan si Bise Presidente Lai Ching-te kasunod ng kanyang paglalakbay sa Paraguay na kinabibilangan ng mga transit sa US. Ang ilang mga tao ay nag-aalala kung magkakaroon ba ng malakihang pagsasanay militar ang China sa paligid ng Taiwan dahil sa pagbabalik ni Lai.
Dumating si Vice President Lai Ching-te (賴清德) sa Taoyuan Airport noong Biyernes ng umaga pagkatapos ng isang linggong paglalakbay sa Paraguay na kasama ang mga transit sa New York at San Francisco.
Di-nagtagal pagkarating ni Lai sa Taiwan, nagbigay siya ng talumpati at nagpasalamat sa mga Taiwanese na naninirahan sa ibang bansa para sa kanilang mainit na pagtanggap.
Gayunpaman, sinabi ng gobyerno ng Taiwan na inaasahan nito na magsagawa ng military exercise ang China sa paligid ng isla kasunod ng pagbabalik ni Lai. Nauna nang ginawa ito ng China pagkatapos ng pulong ni Pangulong Tsai Ing-wen (蔡英文) kay U.S. House Speaker Kevin McCarthy sa panahon ng kanyang transit sa U.S. noong Abril. Sa oras na iyon, ang USS Nimitz carrier group ay naglayag malapit sa Taiwan.
Noong Biyernes, isang U.S. carrier strike group sa ilalim ng flagship ng USS Ronald Reagan ang nagpatuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon sa Philippine Sea malapit sa Taiwan.
Samantala, inihayag ng Russian defense ministry na ang mga barkong pandagat ng Russia at China ay nagsasagawa ng mga pagsasanay sa East China Sea noong Biyernes.
Sinabi ng mambabatas ng Democratic Progressive Party na si Hsu Chih-Chieh (許智傑) na sa hinaharap kapag bumisita ang mga pinuno ng Taiwan sa ibang mga bansa, inaasahan niyang patuloy na maghaharass ang China. Gayunpaman, idinagdag niya na ang mga grupo ng carrier ng U.S. malapit sa Taiwan ay maaari ding maging bahagi ng nakagawiang mga pagbisita sa ibang bansa. Sinabi niya na ang mga grupo ng carrier ay sumasagisag sa malapit na ugnayan sa pagitan ng U.S. at Taiwan upang mapigilan ang paghaharas ng China.