close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Diskriminasyon daw sa lahi? Ang Banh mi food poisoning case

  • 20 August, 2023
  • 呂曉倩
Diskriminasyon daw sa lahi? Ang Banh mi food poisoning case
Photo CNA

Isang kamakailang kaso ng malawakang pagkalason sa pagkain na nauugnay sa isang Vietnamese food stall sa Taoyuan City ay nagdulot ng mga alalahanin tungkol sa diskriminasyon sa lahi laban sa mga residente ng Southeast Asian sa Taiwan. 

Sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) ng Taiwan noong Huwebes na hindi bababa sa 514 katao ang nagkasakit dahil sa pagkain na binili sa Zhongli market sa Taoyuan, at ang mga sample ng pagkain mula sa mga vendor doon ay nagpositibo sa salmonella at Bacillus cereus bacteria. Ang pinagmulan ng outbreak ay pinaghihinalaang isang Vietnamese Bahn Mi stand. Ang merkado ng Zhongli ay may malaking bilang ng mga nagtitinda ng pagkain na nagbebenta ng lutuing Southeast Asian.

Noong ika-9 ng Agosto, inanunsyo ng FDA na magsisimula ito ng programa sa inspeksyon ng "banyagang lutuin" upang matiyak na natutugunan ng mga vendor ang mga pamantayan sa kalinisan. Inilunsad din ng Taoyuan City ang sarili nitong inspection drive ng "Southeast Asian" cold food vendor. Maraming mga netizens sa social media ang nagpahayag din ng kanilang mga opinyon na sa tingin nila ay hindi sila ligtas na kumain ng Southeast Asian food at pinupuna ang kalinisan ng mga tao sa Southeast Asia.

Isang Cambodian-Vietnamese bilingual influencer na nakatira sa Taiwan Duy Quang (陳玉旺) ang nagsalita tungkol sa isyu noong Biyernes. Sinabi niya na habang ang isang vendor ay maaaring magkaroon ng mga isyu sa kanilang mga kasanayan sa kalinisan, maaari rin itong sanhi ng pangkalahatang kapaligiran o pangkalahatang mga kasanayan sa serbisyo ng pagkain. Tinatanong niya bakit maaapektuhan lamang ang mga Soueast Asian na tindahan? Sinabi ni Quang na pinaghihinalaan niya ang partikular na pagtawag ng gobyerno sa mga Soueast Asian stall ay maaaring mag-cause ng diskriminasyon.

Comments

Latest Newsmore