close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Inihayag ng survey ang nangungunang tatlong reklamo sa air travel

  • 17 September, 2023
  • 呂曉倩
Inihayag ng survey ang nangungunang tatlong reklamo sa air travel
Photo from RTI

Ang mga frequent flyers ay talagang pamilyar na sa mga pasaherong nagtatalo sa isang eroplano. Sa katunayan, ang bawat isa ay mayroon isang kakulangan sa ginhawa pagdating sa air travel.

Ayon sa pinakabagong mga istatistika mula sa isang platform sa paglalakbay na nag-survey sa mga manlalakbay mula sa sampung bansa, ang tatlong nangungunang reklamo sa air travel ay:
Una, mga bastos na pasahero, lalo na yung naghuhubad ng sapatos at nagnanakaw ng armrest. Pangalawa ay delayed flights, at pangatlo naman ay maingay na pasahero.

Ang mga manlalakbay mula sa Taiwan, gayunpaman, ay may mga bastos at maingay na pasahero na nakatali bilang kanilang numero unong reklamo. Pangalawa ang mga delayed flights, at pangatlo ang umiiyak na mga sanggol.

Nakikita ng ilang Taiwanese na manlalakbay na mas madaling makayanan ang delayed flights sa halip na makipaglaban sa maingay na mga sanggol. Pinagtatalunan nila na sa panahon ng pagkaantala, maaari silang gumawa ng iba pang mga aktibidad upang magpalipas ng oras. Samantalang kung may isang sanggol na umiiyak, sila ay walang mapagpipiliang alternatibo.

Ang pagsisikap na paginhawahin ang umiiyak na sanggol ay hindi rin madali para sa mga magulang. Ang mga magulang mismo ay gumawa ng mga paraan upang mapatahimik ang mga sanggol kapag naglalakbay. Sinasabi ng mga magulang na naghahanda sila ng mga laruan at libro upang mapanatili ang kanilang mga anak habang nasa himpapawid.

Laging sinasabi ng mga tao na “expect the unexpected”, lalo na kapag naglalakbay. Dahil dito, lubos na inirerekomenda ang pagdadala ng mga earplug.

Comments

Latest Newsmore