Malapit na ang Mid-Autumn Festival ng Taiwan, at ibig sabihin, ang mga tradisyonal na egg yolk pastry, mooncake, at pineapple cake ay mataas ang demand. Sa katunayan, ang mga tao ay handang pumila ng matagal upang mabili ang pinakasikat na delicacy para sa holiday.
Ang isang sikat na pastry shop sa Chunghua ay hindi pa nagbubukas ng mga pinto nito at makikita na ang mahabang pila ng mga tao na naghihintay sa labas, lahat ay umaasang makuha ang mga sikat na egg yolk pastry. Ang ilang mga tao ay nagdadala ng kanilang sariling mga upuan, at ang ilan ay dumating pa noong nakaraang gabi, isinakripisyo ang kanilang pagtulog at binibigyang prayoridad ang pastry.
Ang tindahan ay nagsimulang mag-alok ng mga pagkaing ito 3 araw bago ang pagdiriwang, ngunit ang pagkuha ng isang kahon ng mga sariwang pastry ay napakahirap. May isa pang solusyon para sa mga ayaw pumila sa linya: mag-hire ng isang tao upang bilhin ang pastry para sa kanila. Pero ang serbisyong ito ay doble sa normal na presyo.
Ang isa pang sikat na tindahan sa Taichung ay nag-ulat din ng mahahabang pila sa paligid ng kanto at sa katabing kalye, kaya ang mga empleyado nila ay hilong-hilo na.
Ang mga pineapple cake ay mahirap ding bilhin. Nagbukas muli ang isang tindahan pagkatapos magsara sa loob ng 17 araw, na agad na umakit ng mahabang pila simula sa madaling araw. Sinabi ng isang customer na pupunta siya nang mas maaga ngunit ipinagpaliban dahil sa ulan. Dumating siya sa tindahan at nakita niya ang napakaraming tao. Sinabi ng may-ari ng tindahan ang dahilan sa pagsasara ng tindahan ay dahil sa malaking bilang ng mga pribadong order.
Ang egg yolk pastry, mooncake, at pineapple cake ay mga sikat na meryenda sa panahon ng Mid-Autumn festival. Ngunit sa mga pila at presyong tulad nito, parang hindi masyadong madaling kumain ng mooncake sa pagdiriwang ito.