Iniharap ni National Security Bureau Director-General Ming-Yen Tsai (蔡明彥) ang isang ulat sa gabinete noong Miyerkules ika4 ng Oct na nagdedetalye sa epekto ng na-update na batas kontra-espiya ng China na ipinatupad noong Hulyo.
Sa ulat, sinabi ni Tsai na tumaas ang bilang ng mga nakakulong sa taong ito, na ang karamihan ay mga iskolar, mga may koneksyon sa mga organisasyong sibiko, at mga asawang Tsino na ikinasal sa Taiwanese. Sa kalaunan, siyam na kaso ang naiuwi pabalik sa Taiwan, ngunit mayroon pa ring 13 kaso ng mga mamamayan na kasalukuyang nakakulong sa China.
Pinaalalahanan ng Taiwan's Mainland Affairs Council (MAC) ang mga Taiwanese traveller noong Hulyo na maingat na suriin ang pangangailangang pumunta sa mainland China, Hong Kong, at Macao. Sinabi ng MAC na sa pagpasa ng Foreign Relations Law at Counterespionage Law sa China at National Security Law sa Hong Kong, patuloy na nagaganap ang mga hindi makatwirang interogasyon, iligal na pag-aresto at pagkulong.