Nagkaroon ng di-inaasahang aberya ang mga pasahero habang sumasakay sa Taoyuan Airport MRT noong Lunes.
Mga 1,000 pasahero na sumakay sa Taoyuan Airport MRT ay na-stranded matapos mawalan ng kuryente at hindi makaikilos ang mga tren bandang 8:43 ng gabi noong Lunes. Dahil sa pagkansela ng serbisyo, kinailangan nilang hanapin ang ibang paraan ng transportasyon.
Humigit-kumulang 120 pasahero naman ang wala nang ibang magawa kundi maglakad sa mga riles ng MRT sa dilim matapos mapansin na tumigil ang kanilang tren mga 200 metro ang layo mula sa Taishan Guihe Station (A6).
Ipinahayag ng Taoyuan Metro Corp. na nagka-aberya sa isang electrical substation, na nagresulta sa pagputol ng suplay ng kuryente sa mga tren mula Taipei Main Station (A1) patungong Kengkou Station (A11). Ang pagkawala ng kuryente ay tumagal hanggang 9:49 ng gabi. Inayos ang mga oras ng biyahe ng mga tren para mapunan ang pagkaantala.
Sinabi ng kumpanya na patuloy pa rin ang pagsisiyasat para malaman ang sanhi ng aberya, at maaring humiling ng refund ang mga apektadong pasahero sa loob ng pitong araw.