Sinabi ni Health Minister Hsueh Jui-yuan (薛瑞元) noong Martes ika 24 ng Oktubre, na hindi maaaring isulong ng Health Ministry ang pagpapatupad ng euthanasia sa Taiwan. Ang pahayag na ito ay kasunod ng kamakailang mga pagpapahayag ng suporta para sa euthanasia ng Taiwan People's Party presidential candidate Ko Wen-je (柯文哲).
Sinabi rin ng New Power Party (NPP) noong Lunes na ang legalisasyon ng euthanasia ay nakakuha ng makabuluhang suporta mula sa lipunan ng Taiwan at nanawagan kay Hsueh na tugunan ang damdamin ng publiko. Sa isang panayam noong Martes, sinabi ni Hsueh na ang isyu sa euthanasia ay lumalabag ito sa panunumpa ng doktor at etikang medikal, at hindi ito inaprubahan ng World Medical Association.
Sinabi ni Hsueh na ang Health Ministry, bilang opisyal na katawan na responsable para sa pangangasiwa ng mga medikal na tauhan, ay hindi angkop na isulong ang euthanasia. Idinagdag niya na kung ang lehislatura ay magpapasa ng isang euthanasia bill sa pamamagitan ng civil society, mambabatas, o partidong pampulitika, ito ay bubuo ng isang demokratikong proseso, na siyempre ay tatanggapin niya. Gayunpaman, sinabi ni Hsueh na personal na hindi siya magiging isang doktor na nagsagawa ng euthanasia.
Ang Taiwan ay nakatakdang lumipat sa isang super-aged na lipunan sa 2025, na ang proporsyon ng populasyon na higit sa 65 taong gulang ay umaabot sa 20% ng kabuuang populasyon. Kasabay ng isyu ng pangmatagalang pangangalaga, ang paksa ng euthanasia ay nagdulot din ng debate.