close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ini-lista ng Ministry of Interior ang pinakakaraniwang apelyido sa Taiwan

  • 09 November, 2023
  • 汪馬雪莉
Ini-lista ng Ministry of Interior ang pinakakaraniwang apelyido sa Taiwan
Interior Ministry listed the most prevalent Taiwanese surnames, with Chen coming out on top. (Photo:Interior Ministry Website)

Nakapag-announce ang Ministry of Interior ng Taiwan ng mga pinakakaraniwang apelyido sa bansa, at ang "Chen" ang nangunguna.

Minsan, napapansin mo ba kung gaano kadalas lumalabas ang ilang apelyido sa mga kaibigan mong Taiwanese? Maaring may sagot na dito ang Ministry of Interior ng Taiwan.

May mga nakakatawa na mga video sa YouTube na nagsasalaysay tungkol sa kakaibang apelyido dahil sa kanilang kakaunti. Ang video na ito ay nagsasabi na ang apelyido ng isang tao ay "Shi" (石), isang hindi karaniwang apelyido. Ito ay maaaring magdulot sayo ng tanong kung ano ang mga pinakakaraniwang apelyido sa Taiwan.

Ayon sa Ministry of Interior, ang 10 pinakakaraniwang apelyido sa Taiwan ay "Chen" (陳), "Lin" (林), "Huang" (黃), "Chang" (張), "Lee" (李), "Wang" (王), "Wu" (吳), "Liu" (劉), "Tsai" (蔡) at "Yang" (楊). Ayon sa statistics, ang pinakakaraming tao na may apelyidong "Chen" ang nangunguna, sinundan ng "Lin" at "Huang".

Ipinapakita nito na ang ilang tao ay mas gustong maging natatangi, ngunit depende sa iyong apelyido, maaaring isa ka sa nakararami.

Comments

Latest Newsmore