close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Nakaharap muli ang Costco Taiwan sa isang isyu sa kaligtasan ng pagkain

  • 07 December, 2023
  • 汪馬雪莉
Nakaharap muli ang Costco Taiwan sa isang isyu sa kaligtasan ng pagkain
Natagpuan ang isang upos ng sigarilyo sa isang bagong biniling pakete ng mga talaba mula sa Costco Taiwan. (Larawan: CNA)

Kilala ang Costco sa mahilig na mga konsumer sa Taiwan na laging naghahanap ng magandang bilihan at masaya sa pamimili sa malaking tindahan ng wholesale retailer store.

Gayunpaman, ang kumpanya ay nakaranas ng ilang isyu sa kaligtasan ng pagkain ngayong taon. Noong Abril at Mayo lamang, nagpositibo sa hepatitis A ang mga frozen berries ng Costco at kinailangang bawiin. Noong Hulyo at Agosto, kailangang bawiin ang cheese na may kontaminasyon ng ethylene oxide, isang kemikal na maaaring magdulot ng kanser.

Ngayon, may nagreklamo na natagpuan ang isang upos ng sigarilyo sa isang bagong biniling pakete ng talaba. Makikita pa sa tubig ang mga dahon ng tabako na kasama ng mga talaba.

Bilang tugon sa reklamo, sinabi ng Costco na wala pang ibang reklamo kaya't naniniwala silang ito ay isang insidenteng pangyayari lamang. Binanggit din nila na ang kanilang lugar ng trabaho ay may mababang temperatura at hindi pumapayag sa paninigarilyo kaya't napakababa ng tsansa na makapasok ang mga banyagang bagay sa mga produkto ng pagkain. Gayunpaman, magpapabuti sila sa pagsasanay ng kanilang mga tauhan sa bagay na ito.

Ang Department of Health ng Taipei City ay nagpadala na ng mga tauhan upang magsagawa ng imbestigasyon at isinama na ang kumpanya sa mas mahigpit na inspeksyon sa hinaharap.

Karamihan ay nag-eenjoy sa smoked clams ngunit sa partikular na kaso na ito, depende ito kung paano ito na-prepara.

Comments

Latest Newsmore