Kung umuulan ang mga commuters ay maaari nang umarkila ng payong sa mahigit 100 istasyon ng MRT sa Taipei. Ang mga shared payong ay nagkakahalaga lamang ng NT$ 19 para sa unang oras, NT$ 29 para sa dalawang oras, at NT$ 39 para sa buong araw, o humigit-kumulang US$ 1.
Ang maginhawang serbisyong ito ay nagpapagaan ng stress kung tayo ay mahuli sa isang malakas na buhos ng ulan na walang dalang payong. Gayunpaman, dapat ding ibalik ng mga pasahero ang payong sa anumang lokasyong na nasa mabuting kondisyon sa loob ng dalawang lingo, kung hindi ito masunod, ang nanghiram ay kailangan magbayad ng late fee na NT$ 799 (US$ 25).
Mapalad ang mga user na magkaroon ng malikhaing mapagkukunang ito upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at manatiling tuyo.
Nakakalungkot lang na ang mga libreng payong na dating hawak ng MRT sa buong sistema nito ay tila naglaho na dahil wala nang nagmamagndang loob na naglalagay ng sa station para magamit ng mga nangangailangan. Sana kung nakakuha naman ang payong, dapat ay isauli sana para naman magamit ng ibang commuters.