close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Unang batch ng mga rekruit para sa isang-taong compulsory military service magsisimula sa Enero 25

  • 18 January, 2024
  • 汪馬雪莉
Unang batch ng mga rekruit para sa isang-taong compulsory military service magsisimula sa Enero 25
The first batch of conscripts for Taiwan's extended one-year compulsory military service will enlist on January 25. (Photo: CNA)

Ang unang batch na may 670 rekruit para sa extended one-year compulsory military service sa Taiwan ay mag-eenlist noong Enero 25. Inihayag ng Defense Ministry noong Martes na ang mga preparasyon ay kumpleto na.

Ang Army Command Headquarters Chief of Staff na si Chen Chien-yi ay nagsabi na ang mga rekruit ay dadaan sa walong linggong enlistment training na isasagawa sa apat na yugto. Kasama dito ang pagsasanay sa pagbaril ng baril, simulated battlefield scenes, night shooting, at combat training. Magkakaroon ng pagsusulit ang mga rekruit sa huling linggo at ang mga bumagsak ay dadaan sa karagdagang pagsasanay.

Simula ngayong taon, isasama na rin ang pagsasanay sa pagtatapon ng granada sa basic training. Sinabi ni Chen na isasagawa ang pagsasanay sa pagtatapon ng live hand grenade sa paraang hakbang-hakbang. Una, matutunan ng mga rekruit ang mga basic postures at principles ng pagsabog. Pagkatapos, hahawakan nila ang simulated grenades. Sinabi niya na pagkatapos ay i-a-assess ang mga rekruit upang pumili ng mga angkop na magtapon ng live grenades.

Comments

Latest Newsmore