close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Sinusuportahan ng US at Czech ang internasyonal na pakikilahok ng Taiwan

  • 15 March, 2024
  • 呂曉倩
Sinusuportahan ng US at Czech ang internasyonal na pakikilahok ng Taiwan
Photo from RTI

Ang secretary ng U.S. na si Antony Blinken at ang Foreign Minister ng Czech na si Jan Lipavský ay nagsagawa ng isang pag-uusap sa telepono, na binibigyang-diin ang kanilang suporta sa isa't isa para sa makabuluhang pakikilahok ng Taiwan sa mga pandaigdigang gawain, gaya ng nakasaad sa isang press release ng U.S. Department of State noong Miyerkules.

Sinabi ni Foreign Ministry's Department of North American Affairs Director General Wang Liang-Yu (王良玉) sa isang online press conference noong Thursday na patuloy na palalakasin ng Taiwan ang pakikipagtulungan nito sa U.S. at iba pang mga bansang mayroong katulad ng pag-iisip, tulad ng Czech Republic.

Sinabi ni Wang na ang Foreign Ministry ay magtataguyod at magpapalalim sa internasyonal na pakikilahok ng Taiwan batay sa mga prinsipyo ng propesyonalismo, pragmatismo, at kontribusyon.

Comments

Latest Newsmore