close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Restaurant na sangkot sa Bongkrek acid poisoning case na walang insurance

  • 03 April, 2024
  • 何薇薇
Restaurant na sangkot sa Bongkrek acid poisoning case na walang insurance

Ang Department of Health ng Pamahalaang Lungsod ng Taipei ay nagpahayag na ang kumpanya ay lumabag sa Act Governing Food Safety and Sanitation at pagmumultahin alinsunod sa batas.

Ang sangay ng Polam Kopitiam Xinyi, ang restaurant kung saan nagmula ang kamakailang mga kaso ng Bongkrek acid poisoning, ay nabigo na makagawa ng wastong saklaw ng seguro or insurance sa pananagutan, bilang karagdagan sa pagbibigay ng maling impormasyon sa negosyo. Ang Department of Health ng Pamahalaang Lungsod ng Taipei ay nagpahayag sa isang press release noong Biyernes na nilabag ng kumpanya ang Act Governing Food Safety and Sanitation at pagmumultahin ng NT$2.5 milyon (US$78,000) alinsunod sa batas.

Tatlo pang tao ang iniulat na humingi ng medikal na paggamot sa New Taipei City noong Biyernes, na nagdala sa kabuuang bilang ng mga kaso sa 17. Dalawang tao ang namatay dahil sa organ failure at limang tao ang kasalukuyang naospital sa kritikal na kondisyon.

Bilang tugon sa malaking insidenteng ito, ipinahayag ng Kagawaran ng Kalusugan na itinatag nito ang mga pamamaraan at pamantayan ng Bongkrek acid testing. Ang isang link ay na-set up din sa homepage ng website upang mabigyan ang publiko ng may-katuturang impormasyon.

Ipinahayag ng Kagawaran ng Kalusugan na patuloy nitong sinusubaybayan ang paggamit ng mga sangkap na may mataas na panganib tulad ng mga sarsa at produktong starch na matatagpuan sa restawran ng Polam Kopitiam, na may mga pinagkukunan ng mga nauugnay na hilaw na materyales, proseso ng pagmamanupaktura, at pamamahala ng produksyon na iniimbestigahan din. Dagdag pa rito, palalakasin ang mga inspeksyon sa food court ng department store para matiyak ang kalinisan at kaligtasan.

Comments

Latest Newsmore