close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mahigit sa NT$320 milyon ang naipon sa donasyon para sa tulong sa lindol sa Hualien

  • 11 April, 2024
  • 汪馬雪莉
Mahigit sa NT$320 milyon ang naipon sa donasyon para sa tulong sa lindol sa Hualien
The Taiwan Foundation for Disaster Relief is accepting donations for earthquake relief for one month spanning April 4 to May 3. (Photo: The Taiwan Foundation for Disaster Relief)

Ayon sa Taiwan Foundation for Disaster Relief noong Martes, halos 110,000 na donasyon na may kabuuang higit sa NT$320 milyon (mahigit US$9.9 milyon) ang nakuha sa loob ng anim na araw mula nang maganap ang lindol sa Hualien noong nakaraang linggo.

Ang Taiwan Foundation for Disaster Relief ay tumatanggap ng donasyon para sa tulong sa lindol sa loob ng isang buwan mula April 4 hanggang May 3. Sinabi ng Ministry of Health and Welfare noong Martes na libre ang mga bayad sa transaksiyon sa lahat ng online donation platforms, at nag-introduce ang apat na pangunahing convenience store chains ng mga bagong channel para sa donasyon.

Sinabi ng foundation na ito ay pinagkatiwalaan ng Gabinete upang pangasiwaan ang proyektong pang-fundraising at bibigyang prayoridad ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad. Ang Gabinete at Pamahalaang Panlalawigan ng Hualien ay aktibong naghahanap ng mga mapagkukunan para sa mga pagsisikap sa pagtulong sa kalamidad, na nakatuon sa emergency rescue, medical care, at shelter. Bukod sa pagsuporta sa mga frontline relief personnel, susunod ang foundation sa mga regulasyon sa fundraising upang maallocate ang pondo para sa disaster assistance, emergency medical care, sheltering, at reconstruction.

Ayon sa Ministry of Health and Welfare, maaaring mag-donate sa pamamagitan ng direktang bank transfers gamit ang Land Bank of Taiwan, online via credit card sa https://backme.tw/ref/0403twhl/, o via Line Pay. Maaari rin mag-donate ang mga indibidwal gamit ang ibon sa 7-ELEVEN, FamiPort sa FamilyMart, Life-ET sa Hi-Life, at OK‧go sa OKmart.

Para sa mga nasa ibang bansa na gustong mag-donate, tinatanggap din ng Taiwan Foundation for Disaster Relief ang donasyon sa mga sumusunod na detalye:

SWIFT CODE: "LBOTTWTP102"

NAME: "Taiwan Foundation for Disaster Relief"

Account NO.: "102-005-19895-7"

BANK NAME: "LAND BANK OF TAIWAN CHANGCHUEN BRANCH"

ADDRESS: "No. 156, Changchun Rd., Zhongshan District, Taipei City 10459, Taiwan (R.O.C.)"

Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa (02) 7751-6306 o makipag-ugnayan sa toll-free welfare consultation hotline ng Ministry of Health and Welfare sa 1957.

Comments

Latest Newsmore