Ang gobyerno ng South Korea ay nag-anunsyo noong Huwebes na mag-donate ito ng NT$16 milyon para suportahan ang gawaing rekonstruksyon sa Hualien pagkatapos ng lindol.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tumulong ang South Korea sa Taiwan dahil sa mga natural na sakuna. Nag-donate ang South Korea ng US$100,000 matapos makaranas ng magnitude 6.2 na lindol ang Southern Taiwan noong 2016.
Ang Foreign Ministry ng Taiwan ay nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa gobyerno ng South Korea, at sa kinatawan nito sa Taiwan na si Lee Eun-Ho (李殷鎬), para sa kanilang donasyon. Umaasa ang ministro na magpatuloy ang magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa at maghanda para sa susunod na mga internasyonal na pagsasamahan sa panahon ng pangangailangan.