close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Isa pang Taiwanese fishing boat ang hinarass; Pinapalakas ng Coast Guard ang pagpapatrolya sa lugar

  • 05 July, 2024
  • 呂曉倩
Isa pang Taiwanese fishing boat ang hinarass; Pinapalakas ng Coast Guard ang pagpapatrolya sa lugar
Photo CNA

Nakatanggap ang Coast Guard Administration (CGA) ng ulat mula sa isang fishing boat noong Miyerkules ng gabi na nagsasabing sila ay pinara ng isang Chinese coast guard ship. Ang bangkang pangingisda ay matatagpuan sa bandang 60 milya hilagang-kanluran ng Magong, Penghu, mga 34 milya lampas sa mga pinaghihigpitang lugar at 11.5 milya sa kanluran ng median line.

Bilang tugon, agad na nagpadala ng dispatch ang CGA sa lugar. Gayunpaman, pagdating nila, sinabi ng fishing boat na tumulak na ito palayo sa pinangyarihan at hindi na hinahabol ng Chinese coast guard ship.

Ang insidente ay kasunod ng pagkulong sa Taiwanese fishing boat na Tachinman 88 ng mga awtoridad ng China noong Miyerkules lamang. Dinala ang limang tripulante ng Tachinman 88 sa Weitou Port ng Quanzhou City, at hindi pa nakalabas.

Sinabi ng Kinmen-Matsu-Penghu Branch ng CGA na nagpadala sila ng mas maraming patrol sa lugar kung saan nangyari ang insidente upang makatugon sila kaagad kapag kinakailangan. Pinaalalahanan nila ang mga mangingisda na tumawag sa 118 CGA emergency hotline kung makatagpo sila ng anumang hindi inaasahang sitwasyon sa dagat.

Comments

Latest Newsmore