close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang Ministry of Health ay magpapalawak ng subsidy na pang mental health para sa mga nasa higit sa 40 taong gulang

  • 21 July, 2024
  • 呂曉倩
Ang Ministry of Health ay magpapalawak ng subsidy na pang mental health para sa mga nasa higit sa 40 taong gulang
Photo- Liza Summer/Pexels

Ang Ministry of Health ay nagkakaroon ng press conference noong Biyernes na nag-anunsyo ng paglulunsad ng isang mental health support program para sa mga nasa hustong gulang na magpalawak ng naaangkop na edad para sa libreng psychological consultation sa mga lampas 40 taong gulang. Ang dating programa ay naglaan ng tatlong libreng konsultasyon lamang para sa mga edad 15 hanggang 30 taong gulang.

Isang kabuuang NT$130 milyon ang inilaan sa dating programa ng suporta sa kalusugang pangkaisipan, na nakatulong sa 85,000 na tao mula nang ito ay unang ilunsad noong Agosto ng nakaraang taon. Layunin ng Health Ministry na dagdagan ang mga subsidiya at tumutok sa "sandwich generation," o yaong mga nagtatrabaho at nag-aalaga ng kanilang mga magulang at anak.

Sinabi ni Director ng Taiwan Counseling Psychologist Union na si Lo Hui-chun sa isang panayam noong Huwebes na unang ipinatupad ng Health Ministry ang programa upang makilala at i-refer ang mga indibidwal na may mataas na risk. Bagama’t walang limitasyon sa bilang ng mga taong maaaring gumamit ng programa, may mga pag-aalala na ang limitasyon sa edad ay maaaring maghadlang sa serbisyong kailangan ng iba.

Sinabi ni Lo na kahit na ma-screen ang mga high-risk individuals at maayos ang referral, hindi pa tiyak kung magbibigay ng sapat na mga resources ang gobyerno para sa susunod na hakbang. Binanggit niya na kailangan ulit pag-aralan ang aspetong ito ng programa. Gayunpaman, nananatiling positibo si Lo sa pag-unlad ng patakaran sa kalusugang pangkaisipan sa Taiwan.

Comments

Latest Newsmore