close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Isang pagdiriwang at parada ang isinagawa upang ipagdiwang ang mga “bayani” ng Olimpiyada ng Taiwan

  • 16 August, 2024
  • 呂曉倩
Isang pagdiriwang at parada ang isinagawa upang ipagdiwang ang mga “bayani” ng Olimpiyada ng Taiwan
Photo CNA

Nag-uwi ng dalawang gintong medalya at limang tansong medalya ang mga atleta ng Taiwan mula sa Paris 2024 Olympics. Bilang pagdiriwang sa matagumpay na pagganap, na may kabuuang medalya na pangalawa lamang sa kanilang pagganap sa Tokyo Olympics, ang Presidential Office ay magho-host ng isang eksklusibong pagdiriwang at pampublikong parada na pinamagatang "Our Heroes! Team Taiwan."

Ang 67 atleta at coach ay sasalubungin ng honor guard pagdating nila sa Presidential Office ngayong Biyernes. Ang kaganapan, na bukas din sa pamilya at mga kaibigan ng mga atleta, ay magkakaroon ng fashion photographers, illustrators, at bubble tea.

Ang “Heroes Parade” ay magsisimula ng 1.5-kilometrong ruta sa ganap na 3:00 ng hapon mula sa Presidential Office. Bagama’t may ilang atleta na hindi makakadalo dahil sa mga internasyonal na biyahe o pinsala, nakumpirma ng mga gintong medalist na sina Lin Yu-ting (林郁婷) at Wang Chi-lin (王齊麟) na sila ay makakadalo.

Si pangulong Lai Ching-te (賴清德) at vice president Hsiao Bi-khim (蕭美琴) ay kasama rin pagdiriwang, kasama na ang mga kinatawan mula sa Education at Culture Ministries. Ang mga tagahanga ay maaaring sumubaybay sa live stream sa MOESports’ at sa YouTube channel ng Foreign Ministry na Trending Taiwan.

Comments

Latest Newsmore