close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mga kapalit para sa pitong magreretirong mahistrado sa Taiwan na hinirang ng Tanggapan ng Pangulo

  • 04 September, 2024
  • 何薇薇
Mga kapalit para sa pitong magreretirong mahistrado sa Taiwan na hinirang ng Tanggapan ng Pangulo

Nakatakdang magretiro ngayong Oktubre ang pito sa 15 kasalukuyang mahistrado ng Taiwan. Inanunsyo ng Presidential Office ang mga kapalit sa pito, kabilang ang mga bagong nominado ng Judicial Court president at vice president, nitong Biyernes.

Hinirang ni Pangulong Lai Ching-te (賴清德) ang propesor ng Kolehiyo ng Batas ng NTU na si Chang Wen-chen (張文貞) para sa pangulo ng Hudikatura, at dating mambabatas na si Yao Li-ming (姚立明) para sa pangalawang pangulo ng Hudikatura. Si Chang ang unang babae na hinirang para sa posisyon sa kasaysayan ng Taiwan. Itinuro ni Bise Presidente Hsiao Bi-khim (蕭美琴) na kung ang pitong nominado ay aaprubahan ng Lehislatura, ang mga kababaihan ay bubuo ng halos kalahati ng mga namumunong mahistrado, isang mataas na rekord.

Ipinaliwanag ni Hsiao na naniniwala siyang kung itatalaga si Chang ay mapapayaman niya ang propesyonal, progresibo, at internasyonal na komposisyon ng mga mahistrado. Sinabi ni Hsiao na ang presidente at bise presidente ng hudikatura ay dapat may determinasyon at malakas na kasanayan sa pamumuno; dapat silang makapagsagawa ng repormang panghukuman at mangasiwa ng hustisya.

Ipinakilala ni Vice President Hsiao Bi-khim ang pitong nominado sa isang press conference.

Ipinaliwanag ni Hsiao ang kadalubhasaan ng mga nominado, na nagsasabi na lahat ng pitong nominado ay may malalim na legal na literasiya at mga progresibong konsepto ng demokrasya at karapatang pantao.

Kung inaprubahan ng Lehislatura, ang mga nominado ay mauupo sa puwesto sa Nobyembre 1.

Comments

Latest Newsmore