Nagsimula ang HIMSS APAC Medical Expo sa Seoul, Inilunsad ng National Science Council ang "Taiwan Smart Health Pavilion"
Ang HIMSS APAC, isang pangunahing eksibisyon sa larangan ng medikal sa rehiyon ng Asia-Pacific, ay nagbukas nuong (ika-2 ng Oktubre) sa Seoul. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ang National Science Council ng "Taiwan Smart Health Pavilion" para sa eksibisyon. Ayon sa National Science Council, umaasa silang sa pamamagitan ng paglahok na ito ay mapalakas ang mga pagkakataon para sa pandaigdigang kooperasyon at patatagin ang papel ng Taiwan sa pandaigdigang ekosistema, habang aktibong hinaharap ang mga hamon ng digital health sa buong mundo.
Sa pagbubukas ng HIMSS APAC, ang China Medical University Hospital, Linkou Chang Gung Memorial Hospital, Taichung Veterans General Hospital, at Tainan City Hospital ay nakatanggap ng maraming parangal mula sa HIMSS bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon.
Idinagdag ng National Science Council na sa kauna-unahang pagkakataon, ang "Taiwan Smart Health Pavilion" ay nagtipon ng mga kalahok mula sa mga pangunahing institusyon tulad ng China Medical University Hospital, National Cheng Kung University Hospital, Chang Bing Show Chwan Memorial Hospital, Kaohsiung Chang Gung Memorial Hospital, at Kaohsiung Medical University Hospital. Layunin ng eksibit na ipakita ang mga inobasyon ng Taiwan sa larangan ng smart healthcare.