Malugod na tinanggap ni Taiwan Foreign Minister Lin Chia-lung ang Manila Economic and Cultural Office Chairwoman at Resident Representative, Atty Cheloy Garafil sa Taiwan. Nagpulong sila sa headquarters ng Foreign Ministry nuong Lunes.
Si Garafil ay ang bagong tagapangulo at kinatawan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO). Ang MECO ay nagsisilbing hindi opisyal na embahada ng Pilipinas sa Taiwan sa kawalan ng pormal na relasyong diplomatiko.
Ayon sa pahayag ng ministeryo, sinabi ni Ministro Lin na ang Pilipinas ay katuwang na may mga mithiin na katulad ng Taiwan. Inaasahan niya ang pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan sa kalakalan, agrikultura at pangisdaan, pag-iwas sa kalamidad, edukasyon, at pangangalagang pangkalusugan sa ilalim ng pamumuno ni Garafil.
Bilang tugon, sinabi ni Garafil na karangalan niya na maitalaga sa Taiwan, na minarkahan ang kanyang unang pagbisita sa bansa. Sisikapin niyang isulong ang kooperasyong bilateral at higit pang pagpapalitan ng mga tao sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Dati nang nagsilbi si Garafil bilang Presidential Communications Office Secretary bago sya manungkulan bilang Chairperson at Resident Representative ng MECO noong Oktubre 1, kapalit ni Silvestre Hernando Bello III.