Noong Huwebes ng umaga sa pagdiriwang ng Pambansang Araw, nagbigay si Pangulong Lai Ching-te (賴清德) ng talumpati na may temang “Taiwan Together for Our Shared Dream.” Binibigyang-diin niya na ang kanyang pangunahing misyon ay pangalagaan ang soberanya ng Taiwan, protektahan ang buhay at mga karapatan ng mga mamamayan nito, at pamahalaan ang patuloy na pag-unlad ng bansa.
Sinabi ni Lai na kahit hindi ganap na kinilala ang Taiwan sa pandaigdigang komunidad, patuloy ang mga mamamayang Taiwanese sa kanilang kontribusyon sa kabutihan ng mundo. Sinabi niya na ang Taiwan ay hindi kaanib sa PRC at kumakatawan sa sarili nito sa pandaigdigang entablado.
Tungkol sa pambansang seguridad at patuloy na pag-unlad ng bansa, sinabi ni Lai na mahigpit niyang susundin ang Four Pillars of Peace action plan at nagtatag ng mga komite upang mangasiwa sa mga hakbang laban sa pagbabago ng klima, pangangalaga sa kalusugan, at iba pang mahahalagang aspeto para sa pagtatayo ng matatag na lipunan.
Sa huli, tinukoy ni Lai ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa pagitan ng Taiwan at China, at ang kahandaan ng Taiwan na makipagtulungan sa China upang talakayin ang mga isyu tulad ng pagbabago ng klima, pag-iwas sa mga nakakahawang sakit, at pagtahak sa kasaganaan. Inexpress niya ang pag-asa na ang China ay makatutulong din sa kapayapaan sa rehiyon ng Indo-Pacific, bukod sa pakikipagtulungan sa ibang mga bansa sa mundo upang wakasan ang Digmaang Russo-Ukrainian at mga patuloy na labanan sa Gitnang Silangan.
Tungkol sa Taiwan, sinabi ni Lai na patuloy itong magiging bastion ng kapayapaan sa isang lalong magulong mundo. Naniniwala siya na ang isang malakas na demokratikong Taiwan ay hindi lamang hangarin ng 23 milyong mamamayan nito, kundi inaasahan din ng pandaigdigang komunidad.