Ipinahayag ng Kagawaran ng Edukasyon nuong (ika-9 ng Okubre) na ang mga quota sa pagpasok ng apat na paaralan—Cultural University, Fo Guang University, Truth University, at Dayeh University—ay hindi tiyak na naibalik, na nakaapekto sa kabuuang kredibilidad ng pagpasok sa mga unibersidad. Dahil ang mga punong guro ay may pananagutan sa pamamahala ng paaralan, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpatupad ng multa mula NTD400,000 hanggang NTD600,000 sa mga punong guro ng apat na paaralang ito alinsunod sa "Private School Law."
Nang maunang lumabas ang balita tungkol sa Cultural University na hindi naibalik ang kanilang mga quota, natuklasan ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanilang pagsisiyasat na ang Fo Guang University, Truth University, at Dayeh University ay may katulad din na sitwasyon.
Tungkol sa resulta ng parusa sa mga tauhan ng apat na paaralan, sinabi ng Kagawaran ng Edukasyon na matapos ang komprehensibong pagsusuri sa mga pahayag ng mga punong guro, dahil sa hindi pagsunod ng mga paaralan sa mga regulasyon sa pagbabalik ng mga quota mula sa Star Recommendation at aplikasyon sa pagpasok, nagdulot ito ng kaguluhan sa proseso ng pagpasok at nakapinsala sa kabuuang kredibilidad ng pagpasok. Dahil dito, ayon sa Seksiyon 80, Talata 1, Subtalata 1 ng "Private School Law," pinarusahan ang mga punong guro ng apat na paaralan. Ang punong guro ng Cultural University na si Wang Tzu-chi at ang punong guro ng Dayeh University na si Fang Wen-chang ay pinarusahan magmulta ng NTD 400,000 dahil ito ang kanilang unang paglabag; samantalang ang dating punong guro ng Truth University na si Chen Chi-ming at ang dating punong guro ng Fo Guang University na si He Zhuo-fei ay pinarusahan ng NTD600,000 dahil ito ay hindi na kanilang unang paglabag.