close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Typhoon Kong-Rey lumalakas

  • 31 October, 2024
  • 汪馬雪莉
Typhoon Kong-Rey lumalakas
颱風康芮持續增強長胖,直撲台灣 (氣象署提供)

Ayon sa Central Weather Bureau, ang Typhoon Kong-Rey ay patuloy na lumalakas at palapit sa Taiwan. Inaasahang tataas sa kategoryang medium typhoon bukas ng madaling araw, at may pinakamataas na tsansa na mag-landfall sa Taitung ngayong gabi (October 31) at madaling araw ng Nobyembre 1.

Ayon kay Huang Enhong, weather forecaster ng Central Weather Bureau, batay sa pinakahuling datos, hindi nagbago ang landas ng bagyo, at inaasahang tatama ito sa Taitung ngayong gabi at madaling araw ng Nobyembre 1. Mula sa gitnang bahagi ng Taiwan, papasok ito sa Taiwan Strait sa umaga ng Nobyembre 1.

Pagkatapos mag-landfall, maaapektuhan ng Central Mountain Range ang istruktura ng bagyo, subalit inaasahang magdadala pa rin ito ng malakas na ulan.

Si Kong-Rey ay kasalukuyang isang weak typhoon na may radius na 220 kilometro. Inaasahang tataas ito sa medium typhoon bukas ng madaling araw, at lalawak ang radius sa 250 kilometro. Nong madaling araw ng Oktubre 30, lumawak pa ito sa 280 kilometro.

Pagdating ni Kong-Rey sa Taiwan Strait, aakyat ito pa-hilaga bago bumaling pa-silangan hilaga tungo sa Japan at South Korea. Subalit kailangan pang obserbahan ang huling direksyon nito.

Sa lagay ng panahon ngayong linggo, sinabi ni Huang na patuloy na apektado ng northeast monsoon, kaya magkakaroon ng panaka-nakang pag-ulan sa hilaga at hilagang-silangan. Sa mga lugar ng Greater Taipei at hilagang-silangan, may mga bahagi ng malalakas na pag-ulan, habang ang ibang mga rehiyon ay makararanas ng panandaliang ulan tuwing hapon. Ang hilagang Taiwan ay magiging malamig at basa, na may temperaturang nasa 23 hanggang 25 degrees Celsius.

Ang outer circulation ng bagyo ay magdadala ng panandaliang ulan sa hilaga at hilagang-silangan, habang magkakaroon ng lokal na malalakas na pag-ulan sa Keelung North Coast, Greater Taipei, at hilagang-silangan. Ang epekto ng bagyo ay magiging pinakamalakas ngayong araw (Oktubre 31) at Nobyembre 1, na may panandaliang ulan sa hilaga at silangang bahagi, at mga malakas hanggang sa malalakas na ulan sa mga partikular na lugar, lalo na sa silangan.

Simula Nobyembre 2, unti-unting lalayo ang bagyo, subalit maaapektuhan pa rin ng northeast monsoon ang Taiwan, na may panandaliang ulan sa hilaga at hilagang-silangan, at may panaka-nakang ulan sa hapon sa timog at sa gitnang bahagi ng kabundukan.

Pinapaalalahanan ni Huang ang lahat na mula bukas hanggang Nobyembre 1, may posibilidad ng malalaking alon sa Keelung North Coast, silangang bahagi (kasama ang Lanyu at Green Island), Hengchun Peninsula, Matsu, at Penghu. Inaasahan na sa Oktubre 30 ang alon ay aabot sa taas na 3 hanggang 5 metro, at tataas sa mahigit 5 metro sa Nobyembre 1. Ang epekto ng mga alon ay lalawak din sa timog-kanlurang baybayin sa Nobyembre 1.

Comments

Latest Newsmore