close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

RTI at Immigration Department, Naglunsad ng Bagong Programa

  • 02 November, 2024
  • 汪馬雪莉
RTI at Immigration Department, Naglunsad ng Bagong Programa
Rti hosts Tristan Hilderbrand(right) and Tường Vy (left), who emceed at Friday's press conference. (Photo: Tristan Hilderbrand)

Nagdaos ng press conference ang Immigration Department upang markahan ang paglulunsad ng programang The Power of New Immigrants (新住民心力量), isang palabas sa pakikipagtulungan sa Radio Taiwan International (RTI) na ipapalabas sa pampublikong radyo. Layunin ng programa na makatulong sa mga bagong imigrante sa Taiwan na magkaroon ng akses sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mga kapaki-pakinabang na patakaran, mga kultural na palitan, at pang-araw-araw na pamumuhay.

Ipinunto ni Interior Minister Liu Shyh-fang (劉世芳) na patuloy ang suporta ng ministeryo para sa mga bagong imigrante sa pamamagitan ng pagbibigay ng akses sa mga mapagkakatiwalaang media. Umaasa si Liu na ang Power of New Immigrants ay magsisilbing bintana para sa mga bagong residente sa Taiwan. Binanggit din niya na sa hinaharap ay handa silang mag-imbita ng mga kinatawan ng opinyon publiko o mga diplomatiko upang magbigay ng suhestiyon sa mga patakarang sumusuporta o magbahagi ng kanilang mga karanasan.

Dumalo rin sa pagbubukas ang ilang mga international host ng RTI mula sa mga seksyon nito sa Indonesia, Thailand, Pilipinas, Ingles, at Vietnam – karamihan sa kanila ay mga bagong residente rin sa Taiwan. Sinabi ni RTI Chairperson Cheryl Lai (賴秀如) na ang radyo ay hindi lamang umaabot sa isipan kundi pati na rin sa puso. Ang Power of New Residents ay ipapalabas tuwing Biyernes at Sabado, 2:00 p.m. sa FM104.9 simula Oktubre 18.

Comments

Latest Newsmore