Kamakailan lamang idinaos ang kauna-unahang pagpupulong sa antas ng teknikal na pakikipagtulungan sa larangan ng paggawa ng Taiwan at India. Nung, ika-8 ng buwan ng Nobiembre inanunsyo ng Kagawaran ng Paggawa na sa paunang yugto, ang mga manggagawang migrante mula India ay itatalaga sa sektor ng manufacturing, partikular sa tradisyunal na industriya. Ang unang batch ay magpapasok ng 1,000 manggagawa, kung saan 5% ay kukunin sa pamamagitan ng direktang pagkuha.
Magkakaroon ng patuloy na pagsusuri ng resulta para sa mga susunod na hakbang.
Ayon sa Kagawaran ng Paggawa, ang kauna-unahang pagpupulong ng "Taiwan-India Labor Cooperation Working-Level Meeting" ay ginanap noong Nobyembre 5 sa Taipei, pinamunuan ng Direktor ng Workforce Development Agency ng Kagawaran ng Paggawa, si Cai Meng-liang, at ni Mr. Surinder Bhagat, Direktor ng Overseas Workers’ Protection Division ng India. Kasama rin sa delegasyon ng India ang mga opisyal mula sa Overseas Workers’ Protection Division at ang Pangulo ng Indian Taipei Association (ITA), na si Yadav.
Kailan darating ang mga manggagawa mula India sa Taiwan? Ayon kay Cai Meng-liang, layunin nilang mapabilis ang proseso at mag-focus sa mga manggagawang bihasa sa Ingles. Sa simula, nakatuon sa manufacturing sa tradisyunal na industriya, partikular sa mga trabahong—mga marurumi, mapanganib, at mabibigat na gawain—bilang prayoridad. Sa kalaunan, maaaring palawakin ito sa sektor ng konstruksiyon, agrikultura, at iba pa. Sinabi ni Cai: “Sa manufacturing, bukas na tayo sa ganitong uri ng trabaho, na sa katunayan, karamihan ay sa tradisyunal na industriya, dahil dito pinakamalaki ang pangangailangan. Kahit na may mga empleyo sa teknolohiya, marami sa kanila ay may kasalukuyang lakas-paggawa, kaya't ang prayoridad ay nasa tradisyunal na manufacturing.”