close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pagbabawal sa Paglalagay ng "pag-uusapan" sa for hire advertisement kung hindi aabot sa 50,000 ang sahod sa trabaho; Mag-uumpisa ang Pag-amyenda sa Batas ng Kagawaran ng Paggawa sa 2025

  • 11 November, 2024
  • 何薇薇
Pagbabawal sa Paglalagay ng

Sa pagsulong ng transparency sa sahod, itataas ng gobyerno ang minimum na halagang kailangang isiwalat para sa mga posisyon sa trabaho; kapag ang regular na sahod ay hindi aabot ng 50,000 NTD, kinakailangang ipakita ang saklaw ng sahod. Inaasahang uumpisahan ang pag-amyenda sa batas sa susunod na taon. Ayon sa pagtataya ng Kagawaran ng Paggawa, kapag itinaas sa 50,000 NTD ang limitasyon, matutulungan nito ang 90% ng mga bagong pasok sa trabaho.

Sa kasalukuyan, ayon sa Employment Service Act, kapag nagre-recruit o nag-e-empleyo ng mga manggagawa ang mga employer at ang regular na sahod na inalok ay hindi aabot ng 40,000 NTD at hindi isiniwalat o ipinaalam ang saklaw ng sahod, ang paglabag ay maaaring magmulta ng mula 60,000 hanggang 300,000 NTD. Simula nang ipatupad ang batas ukol sa pagsisiwalat ng sahod noong 2019, hindi pa ito naa-amyendahan. Kamakailan, sa pagpapatuloy ng Economic Development Committee ng Executive Yuan, iminungkahi na pag-aralan ng Kagawaran ng Paggawa ang pagtaas ng limitasyon sa 50,000 NTD.

Ayon kay Wu Shu-ying, kung batay sa average na sahod ng bagong pasok na mga manggagawa noong 2017 na 27,055 NTD at tinatayang 1.48 beses nito, umaabot sa 40,000 NTD ang halaga ng limitasyon noon. Sa ngayon, gamit ang average na sahod ng mga bagong pasok na manggagawa noong 2023 na 35,000 NTD, tinatayang 1.48 beses nito ay aabot sa 51,800 NTD, kaya napiling itakda ang 50,000 NTD bilang bagong limitasyon. Sinabi rin ni Wu na ang 50,000 NTD na limitasyon ay sasaklaw sa higit 90% ng mga entry-level na posisyon, kaya’t magtatagumpay sa layuning protektahan ang sahod ng mga bagong manggagawa.

Comments

Latest Newsmore