close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Babaeng Pasahero sa Taipei MRT Sinugatan ang Lalaki Gamit ang Kutsilyo; New Taipei Prosecutor Humiling ng Detensyon Dahil ang kriman ay may Malaki posibility na manaket ulit

  • 13 November, 2024
  • 何薇薇
Babaeng Pasahero sa Taipei MRT Sinugatan ang Lalaki Gamit ang Kutsilyo; New Taipei Prosecutor Humiling ng Detensyon Dahil ang kriman ay may Malaki posibility na manaket ulit

Isang babaeng nagngangalang Wang ang nanakit ng lalaking pasahero gamit ang kutsilyong panggupit sa loob ng Taipei MRT noong gabi ng ika-8 ng Nobyembre. Ngayong gabi, ika-9, sinabi ng New Taipei District Prosecutor’s Office na, matapos ang interogasyon, nakita ng piskal na malaki ang posibilidad na nagkasala si Wang sa tangkang pagpatay. Dahil sa banta ng posibleng pag-uulit ng pananakit, humiling ang prosekusyon ng detensyon.

Ayon sa mensaheng ipinadala ng New Taipei Prosecutor’s Office, matapos ang interogasyon ng piskal nuong gabi, lumabas na may seryosong batayan para sa kasong tangkang pagpatay laban kay Wang. Nakita rin ang panganib na tumakas siya at ulitin ang pananakit, kaya’t naghain ng kahilingan sa New Taipei District Court para sa kanyang detensyon.

Ang insidente ay naganap sa Taipei MRT Bannan Line noong gabi ng ika-8 ng Nobyembre, kung saan isang estudyante ang nasugatan. Ayon sa Haishan Police Precinct ng New Taipei nuong araw, matapos kunin ang salaysay ng pamilya ng biktima ngayong madaling araw, inakusahan si Wang ng tangkang pagpatay. Kaninang 3 ng hapon siya ay itinurn-over sa prosecutor's office para sa karagdagang imbestigasyon.

Comments

Latest Newsmore