close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Maraming NGO ang nagpakita ng interes sa Mga detalye ng pilot test para sa Multidimensional Companion Care Plan na inilabas

  • 18 November, 2024
  • 何薇薇
Maraming NGO ang nagpakita ng interes sa Mga detalye ng pilot test para sa Multidimensional Companion Care Plan na inilabas

Upang matugunan ang biglaan, panandalian, o agarang pangangailangan sa pag-aalaga, nilalayon ng Ministry of Labor na ipatupad ang pilot test ng Multidimensional Companion Care Services bago matapos ang taon. Ang proyektong ito, na kilala rin bilang Hourly Migrant Worker o Outreach Caregiver Migrant Worker Program 2.0, ay inilunsad upang magbigay ng higit na kakayahang umangkop sa mga serbisyong pang-alaga.

Nung Nobyembre 14, ipinaliwanag ng opisyal mula sa Workforce Development Agency ang mga detalye ng pilot test. Ayon sa kanila, ang mga kuwalipikadong tagapagpatupad ng proyekto ay kailangang mga nonprofit na organisasyon na may higit limang taong karanasan sa serbisyong pang-alaga.  Nung Nobyembre 15 , magdaraos ang Ministry of Labor ng isang orientation para sa aplikasyon ng proyekto, at dahil dito, higit sa 20 organisasyon na ang nagparehistro upang sumali. Ang unang yugto ng pilot test ay pipili ng hindi bababa sa isang organisasyon mula sa hilaga, gitna, at timog ng Taiwan.

Bukod pa rito, pinalawak ang saklaw ng mga maaaring makinabang sa serbisyong ito. Sinabi ni Su Yu-kuo:
"Dati, ang mga may karapatang mag-aplay para sa dayuhang tagapag-alaga ng pamilya ang pangunahing maaaring gumamit ng serbisyo. Ngunit ngayon, pinalawak namin ang saklaw upang isama ang iba pa. Kasama na rito ang mga may sertipikasyon ng kapansanan, mga pasyenteng may malulubhang sakit na dati’y hindi kasama, at mga nangangailangan ng agarang pag-aalaga pagkatapos ng operasyon. Halimbawa, maaaring hindi sila agad makakuha ng patunay ng pagkawala ng kakayahan. Ang iba naman ay kailangang mag-follow-up sa ospital para sa check-up o rehabilitasyon. Maaari rin itong gamitin sa mga serbisyong tulad ng pagsama sa dialysis at iba pang panandaliang pangangailangan."

Comments

Latest Newsmore