close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pangalawang Pangulo Xiao: Pamahalaan ay Nagpapatupad ng Green Finance 3.0 upang Mapababa ang Carbon Emissions ng mga Industriya

  • 28 November, 2024
  • 汪馬雪莉
Pangalawang Pangulo Xiao: Pamahalaan ay Nagpapatupad ng Green Finance 3.0 upang Mapababa ang Carbon Emissions ng mga Industriya
Si Pangalawang Pangulo Xiao Meiqin (kaliwa) ay dumalo sa welcome dinner ng “Ika-40 Taunang Pagpupulong at Seminar ng Asia Bankers Association (ABA).” (Larawan mula sa Office of the President/ Central News Agency)

Dumalo si Pangalawang Pangulo Xiao Meiqin sa welcome dinner ng “Ika-40 Taunang Pagpupulong at Seminar ng Asia Bankers Association (ABA).” Ibinahagi niya na aktibong ipinapatupad ng pamahalaan ang Green Finance Action Plan 3.0 upang mapababa ang carbon emissions ng mga industriya, isulong ang mga gabay sa pagpapatupad ng mga sustainable economic activities, at makipagtulungan sa mga pandaigdigang ka-partner upang palalimin ang sustainable development.

Sa pahayag ng Office of the President, nakasaad na dumalo sa naturang event si ABA President at Vice Chairman ng CTBC Financial Holdings na si Wu Yikui, Chairman ng CTBC Charity Foundation na si Gu Zhongliang, at Chairman ng Bankers Association of the Republic of China na si Dong Ruibin, kasama ang mga bankero mula sa iba't ibang bahagi ng Asya at sa buong mundo.

Sa kanyang talumpati, malugod na tinanggap ng pangalawang pangulo ang mga bankero at pinasalamatan ang mga bankero ng Taiwan na aktibong nagtatag ng mga koneksyon sa rehiyon at mga komersyal na ugnayan upang isulong ang pag-unlad ng bansa.

Binigyang-diin ni Pangalawang Pangulo Xiao na ang tema ngayong taon ay “Tungo sa Isang Sustainable na Kinabukasan,” na may pokus sa mga usaping “Teknolohiya sa Pagbabago ng Banking,” “Paglikha ng mga Sustainable na Layunin,” at “Muling Pagtuon sa mga Kustomer at Lipunan.” Ang mga usaping ito ay saklaw ng core values ng pamahalaan na nagtataguyod ng sustainable development at makataong pag-unlad sa tulong ng mga private sector partners.

Ayon kay Xiao, pinag-iisa ng pamahalaan ang mga financial resources upang suportahan ang net-zero transition sa pagtugon sa pandaigdigang hamon sa klima. Kasama rito ang Green Finance Action Plan 3.0 na naglalayong maghikayat ng mga industriyang magbawas ng carbon emissions, magtatag ng mga alituntunin sa mga sustainable economic activities, lumikha ng ESG (Environmental, Social, and Governance) data platform, at palakasin ang propesyonalismo sa sustainable finance sa tulong ng internasyonal na kooperasyon. Ito ay para hikayatin ang mga industriya ng finance at negosyo na suportahan ang sustainable development goals.

Nagpasalamat din ang pangalawang pangulo sa mga financial institution at bankero sa Taiwan na nakikipagtulungan sa pamahalaan sa paglaban sa isyu ng “transnational fraud.” Aniya, kinakailangan dito ang kooperasyon ng mga pampubliko at pribadong sektor at internasyonal na kooperasyon upang maprotektahan ang mga yaman ng lipunan at ang sistema ng pananalapi batay sa mga regulasyon.

Inaasahan ng pangalawang pangulo na ang international conference na ito ay magsisilbing daan upang mapalawak ang mga inobasyon at bagong ideya sa mabilis na pagbabago ng pandaigdigang financial landscape. Maraming hamon ang kailangang mapagtagumpayan sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap upang matiyak ang pangmatagalang kaunlaran at kasaganaan ng ekonomiya sa Asya.

Comments

Latest Newsmore