close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pangalawang Pangulo Xiao Nakipagpulong sa Delegasyon mula Canada para sa Pantay na Pagtanggap sa Kababaihan

  • 28 November, 2024
  • 汪馬雪莉
Pangalawang Pangulo Xiao Nakipagpulong sa Delegasyon mula Canada para sa Pantay na Pagtanggap sa Kababaihan
Si Pangalawang Pangulo Xiao Meiqin (kanan) ay nakipagpulong sa “Delegasyon ng Babaeng Negosyante ng Canada Asia Pacific Foundation.” (Larawan mula sa Office of the President)

Ngayong umaga, nakipagpulong si Pangalawang Pangulo Xiao Meiqin sa “Delegation of Women Entrepreneurs from the Asia Pacific Foundation of Canada.” Umaasa si Pangalawang Pangulo Xiao na, sa pamamagitan ng palitan ng kaalaman at pag-aaral, ay mas lalong lalakas at uunlad ang ugnayan ng Taiwan at Canada at magkakasamang makakamit ang isang mas pantay at bukas na mundo para sa ambag ng kababaihan.

Sa kanyang talumpati, una munang ipinahayag ni Xiao ang mainit na pagtanggap ng Pangulong Lai Ching-te at ng mga mamamayang Taiwanese sa delegasyon. Ayon sa kanya, ang delegasyon ng mga natatanging babaeng lider ng negosyo ay naitipon ng Asia Pacific Foundation ng Canada (APF Canada) para bisitahin ang Taiwan. Kasama sa mga delegado ang mga negosyante, lider ng negosyo, siyentipiko, inhinyero, at mga eksperto mula sa iba’t ibang larangan—isang napakagandang pagkakataon para sa mas malalim na palitan ng karanasan ng mga matagumpay na kababaihan mula sa Canada at Taiwan. Pinag-usapan nila kung paano maging mga tagapagtaguyod ng pag-unlad ng lipunan upang mas maging ligtas at masagana ang mga komunidad.

Binanggit din ni Pangalawang Pangulo Xiao na may matatag na ugnayan sa ekonomiya at kalakalan ang Taiwan at Canada, kung saan ang Taiwan ang ika-12 pinakamalaking trade partner ng Canada. Mahalaga rin ang papel ng Canada bilang pangunahing tagasuplay ng teknolohiya, serbisyo, at mga produktong pang-agrikultura sa Taiwan. Inaasahan niya na, sa dedikasyon at ambag ng mga delegado, ay lalo pang lalakas ang ugnayang Taiwan-Canada.

Bilang isang babaeng lider, ipinagmamalaki ni Xiao ang katatagan at pag-unlad ng Taiwan sa larangan ng lipunan, pulitika, negosyo, at agham, lalo na pagdating sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Gayunpaman, nabanggit niya ang kanyang naging karanasan sa mga kaganapan sa cybersecurity kung saan nakita niyang may malaking puwang pa para sa mas mataas na partisipasyon ng kababaihan sa Taiwan. Marami pa ang kailangang gawin upang mapalakas ang ambag ng kababaihan sa lipunan. Kaya naman, umaasa siyang ang palitan ng kaalaman at pag-aaral kasama ang delegasyon ay magdudulot ng mas pantay at mas bukas na pagtanggap sa ambag ng kababaihan sa mundo.

Comments

Latest Newsmore