close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pinaluwag ang Mga Pamantayan ng Pagpasok sa Bagong Uri ng Special Program, Bukas Na Rin Para sa Mga Internasyonal na Mag-aaral na sa Taiwan

  • 19 November, 2024
  • 何薇薇
Pinaluwag ang Mga Pamantayan ng Pagpasok sa Bagong Uri ng Special Program, Bukas Na Rin Para sa Mga Internasyonal na Mag-aaral na sa Taiwan

Upang hikayatin ang mas maraming internasyonal na mag-aaral na pumunta sa Taiwan, ipinatutupad ng Ministry of Education ang bagong uri ng special program. Para sa spring semester ng academic year 2024 (113th academic year), aprubado ang 22 unibersidad na may kabuuang 62 special programs, na may inaasahang kapasidad na 1,092 mag-aaral. Bukod dito, pinayagan na ring sumali ang mga kasalukuyang internasyonal na mag-aaral sa Taiwan na nasa ikatlo o ikaapat na taon ng kanilang pag-aaral. Maaari silang magpatuloy sa kanilang kasalukuyang klase hanggang sa pagtatapos ng kurso.

Bilang bahagi ng inisyatibo upang palawakin ang bilang ng mga internasyonal na mag-aaral, hinihikayat ng Ministry of Education ang mga unibersidad at kumpanya sa Taiwan na magtulungan sa pagbuo ng mga special programs na nakatuon sa mga larangang STEM (Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, Matematika), Pananalapi, at Semiconductors. Ang mga mag-aaral sa programang ito ay tatanggap ng suporta mula sa National Development Fund at mga stipend mula sa mga kumpanya. Gayunpaman, kinakailangang manatili sa Taiwan at magtrabaho nang hindi bababa sa dalawang taon pagkatapos ng kanilang pagtatapos. Ang implementasyon ng programang ito ay nagsimula ngayong 113th academic year.

Ayon sa pahayag ng Ministry of Education nuong (Nobyembre 17), para sa fall semester ng parehong academic year, 20 unibersidad na may 40 special programs ang tumanggap ng 366 mag-aaral na karapat-dapat sa scholarship. Karamihan sa mga mag-aaral ay nagmula sa Vietnam, Indonesia, at Pilipinas, at nagsimula silang dumating sa Taiwan noong Setyembre ngayong taon upang mag-aral.

Comments

Latest Newsmore