Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao ng mga Bata, ilang mambabatas at mga grupong tumutok sa mga isyu ng kabataan ang nagsabi na kulang pa ang pondo para sa mga bata at kabataan sa Taiwan. Nais nilang madagdagan ang pondo at mas mapabuti ang pagkakaloob ng mga resources para sa kanilang pag-unlad. Iminungkahi nilang magtayo ng isang "Children and Youth Budget Integration Platform" upang pagsamahin ang mga pondo mula sa iba't ibang ahensya at tiyakin na ang mga ito ay magagamit ayon sa aktwal na pangangailangan ng mga bata at kabataan.
Ayon kay mambabatas na si Zhang Ya-lin, ang pondo para sa mga bata at kabataan sa Taiwan ay mababa kumpara sa iba pang mga bansa, at ang pondo para sa mga kabataan ay patuloy na bumababa. Sinabi niyang kailangan ng higit pang pondo para sa mga sports spaces, mga aklatan, at para mas mapa-aktibo ang kabataan sa mga pambansang usapin. Sinabi naman ng isa pang mambabatas na si Lin Yue-qin na kailangan ding dagdagan ang pondo para sa mga serbisyo na nag-aalaga sa mga bata, at masusing pag-aralan ang mga isyu tulad ng mataas na bilang ng pagkamatay ng mga batang wala pang 18 taong gulang.