close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Hsu Pei-shan Naghain ng Resignasyon, Hindi Dumalo sa Cabinet Meeting; Ayon sa Pamahalaan: Tatalakayin ang Pagpapaalis Matapos ang Imbestigasyon

  • 27 November, 2024
  • 何薇薇
Hsu Pei-shan Naghain ng Resignasyon, Hindi Dumalo sa Cabinet Meeting;  Ayon sa Pamahalaan: Tatalakayin ang Pagpapaalis Matapos ang Imbestigasyon

Ang insidente ng pagpapakamatay ng isang opisyal sa Ministry of Labor ay umani ng matinding kritisismo, at hinihiling ng mga mambabatas mula sa magkabilang panig ng politika ang pagbibitiw ni Minister of Labor Hsu Pei-shan bilang pananagutan.  Ayon kay Cabinet Spokesperson Li Hui-chih noong ika-21 ng Nobyembre, nasa Legislative Yuan si Hsu buong araw. Sa parehong araw, abala rin si Premier Cho Jung-tai kaya’t hindi sila nagkita. Gayunpaman, iniulat na si Hsu ay naghayag ng kanyang intensyon na magbitiw sa pamamagitan ng isang verbal resignation kay Premier Cho noong gabi ng ika-20.ng Nobyembre. Ngayong araw, si Hsu ay nag-file ng leave at hindi dumalo sa cabinet meeting.

Tungkol sa kanyang resignasyon, sinabi ni Li Hui-chih na ang pagpapasya kung tatanggapin ang pagbibitiw ni Hsu ay gagawin matapos ang imbestigasyon sa insidente.

Ayon kay Li Hui-chih: "Ang ministro ay may mga gawain pang kailangang tapusin, kabilang ang imbestigasyon sa responsibilidad ng kanyang opisina. Kailangan niyang ipagpatuloy ang mga ito. Ang usapin ng kanyang pananatili o pagbibitiw ay tatalakayin sa hinaharap matapos makipag-usap ang premier sa ministro."

Comments

Latest Newsmore