Nuong ika(21) ng Nobyembre, ginanap ng Garden of Hope Migrants’ Service Center ang "2024 Migrants’ Journey to Well-Being" International Forum, na nagtipon ng mga kinatawan mula sa industriya, gobyerno, akademya, at mga non-government organization upang talakayin ang mga responsableng aksyon ng mga kumpanya at mga patakaran sa pagpapanatili at pag-akit ng mga dayuhang manggagawa.
Ayon sa opisyal ng Ministry of Labor, walang hangganan ang pagpapabuti ng karapatang pantao. Patuloy na isusulong ng kagawaran ang mga karapatang pang-manggagawa ng mga dayuhang nasa Taiwan. Kaugnay nito, mula noong ika-14 ng buwang ito, awtomatikong ina-upload sa Foreign Worker Rights Platform ang impormasyon ng mga migranteng manggagawa na nasa proseso ng pagpapalit ng amo. Sa ganitong paraan, maaaring maghanap ng empleyado o amo nang direkta ang magkabilang panig nang hindi na kinakailangang dumaan sa ahente, at hinihikayat ang publiko na gamitin ang serbisyong ito.
Bukod dito, maraming dumalo ang nagpakita ng interes sa karapatan ng mga migranteng manggagawa. Sinabi ni Chuang Kuo-liang, Deputy Director ng Cross-Border Workforce Management Division ng Ministry of Labor, na hindi sapilitan ng gobyerno ang paggamit ng ahente para sa mga migrante. Halimbawa, sa kaso ng pagpapalit ng amo, binago na ng Ministry of Labor ang patakaran (Employment Service Act, Article 46, Paragraph 1, Items 8–11: Guidelines for Changing Employers or Job Functions). Simula noong ika-14 ng buwang ito, ang datos ng mga migranteng manggagawang naghahanap ng bagong amo ay awtomatikong ina-upload sa "Foreign Worker Rights Platform." Ang mga amo na nais kumuha ng manggagawa at mga dayuhang manggagawang naghahanap ng trabaho ay maaaring direktang maghanap sa “Employer-Migrant Worker Matching Section” nang hindi na kailangan dumaan sa ahente.
Paliwanag ni Chuang: “Ito ay bahagi ng pagbabago sa mga alituntunin ng pagpapalit ng amo. Matapos maaprubahan, direktang ini-link ng sistema ang mga datos. Halimbawa, kung ang permit ng dating amo ay kanselado at pinayagan ang manggagawa na magpalit ng amo, noon, kinakailangang magdala ang manggagawa ng permit letter sa mga public employment service centers para magparehistro. Sa ngayon, hindi na kailangan iyon dahil awtomatikong ini-upload ang datos sa aming matching platform. Ang mga manggagawa sa proseso ng pagpapalit ay may 60 araw upang makahanap ng bagong amo.”