Nung (24), ng Nobyembre nagdala ng 400 petisyon ang mga grupong tulad ng Taiwan Care Labor Industry Union sa harap ng Kagawaran ng Paggawa, upang hilingin ang pagtaas ng sahod ng mga domestic migrant workers upang umabot sa minimum wage at naglabas ng pitong pangunahing kahilingan. Bilang tugon, sinabi ng Kagawaran ng Paggawa na matapos ang pag-aadjust ng sahod noong Agosto 2022, at isinasaalang-alang ang patuloy na pagtaas ng sahod sa loob ng bansa, patuloy nilang pag-aaralan ang pag-aadjust ng sahod ng mga domestic migrant workers upang mapanatili ang balanse sa mga karapatan sa sahod ng mga ito habang isinasaalang-alang ang makatwirang pasanin ng mga employers sa Taiwan.
Binanggit ng Taiwan Care Labor Industry Union na ang sahod ng mga domestic workers ay hindi nakakasabay sa minimum wage sa mga nakaraang taon, na nagdudulot ng seryosong isyu ng diskriminasyon. Sa susunod na taon, ang minimum wage sa Taiwan ay aabot sa NT$28,590, ngunit ang buwanang sahod ng mga domestic workers ay tanging NT$20,000 lamang. Kaya naman, naglabas sila ng pitong kahilingan, kabilang ang pagsusulong ng pagtaas ng sahod ng mga domestic migrant workers upang umabot sa minimum wage, isama ang mga domestic migrant workers sa ilalim ng proteksyon ng mga batas sa paggawa, at isama ang mga home care workers sa mga programa ng pangmatagalang pangangalaga.
Sinabi ng Kagawaran ng Paggawa na upang mapanatili ang mga bihasa at natatanging migrant workers, isinama na ang mga domestic workers sa "Migrant Worker Retention and Long-term Employment Plan." Hanggang sa pagtatapos ng Oktubre ng taong ito, 21,000 domestic workers na ang nailipat at nailagay sa mga intermediate technical home care jobs. Bukod pa rito, mula noong Nobyembre 14 ng taong ito, pinadali ang proseso ng pagpapalit ng rehistro ng migrant workers. Hindi na kailangang pumunta pa ang mga dating employer at migrant workers sa mga pampublikong ahensya ng serbisyong pang- trabaho upang iproseso ang rehistro ng pagpapalipat. Sa halip, ang sistema ay awtomatikong ikokonekta at ipo-post ang mga datos ng migrant worker sa transfer system upang mapabilis ang proseso ng paglipat.