close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ika-68 Anibersaryo ng Taiwan Tourism Association: 卓榮泰 (Zuo Rong-tai): "Hangad ang Pagiging Bansang Panturista ang Taiwan"

  • 17 December, 2024
  • 何薇薇
Ika-68 Anibersaryo ng Taiwan Tourism Association: 卓榮泰 (Zuo Rong-tai):

Ika-68 Anibersaryo ng Taiwan Tourism Association: 卓榮泰 (Zuo Rong-tai): "Hangad ang Pagiging Bansang Panturista ang Taiwan"

Nung (ika-9 ng Disyembre), dumalo si Premier Cho Jung-tai sa ika-68 anibersaryo ng Taiwan Tourism Association (TTA) at inihayag ang kanyang pangarap para sa Taiwan: hindi lamang maging isang isla ng teknolohiya kundi maging isang bansang panturista. Ayon kay Cho, hangad niyang gawing "pista ng turismo" ang bawat season sa Taiwan, at hikayatin ang bawat mamamayan na maging "ambassador ng turismo" upang buksan ang kanilang mga bisig sa mga kaibigan mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay alinsunod sa adbokasiya ni Pangulong Lai Ching-te na "payakapin ang mundo sa Taiwan, at ang Taiwan sa mundo." Dagdag pa rito, umaasa si Cho na maging bagong destinasyon ng mga Taiwanese ang bawat sulok ng mundo.

Ang pagdiriwang ng ika-68 anibersaryo ng TTA ay ginanap sa Grand Hotel Taipei, kung saan dumalo si Premier Cho bilang panauhing pandangal. Sa kanyang talumpati, pinuri niya ang TTA sa tagumpay ng Taipei International Travel Fair na kanilang inorganisa ngayong taon, na kumita ng mahigit 10 bilyong New Taiwan Dollars sa loob lamang ng apat na araw. Pinasalamatan din niya ang Tourism Bureau ng Ministry of Transportation and Communications sa muling pag-angat ng bilang ng mga internasyonal na turista sa kabila ng mga hamong dulot ng lindol noong Abril 3 at ng tensyon sa relasyon ng Taiwan at China. Mula sa orihinal na target na 6 milyon, ang bilang ay naitaas sa 7 milyon, at ngayon ay posibleng umabot pa ng 8 milyon.

Tungkol sa kakulangan ng trabahador sa sektor ng turismo at hotel, nangako si Premier Cho na agad na tutugunan ito batay sa mga pangangailangan ng industriya. Sinabi niyang sisiguraduhin ng gobyerno ang sapat na workforce upang maihanda ang Taiwan sa nalalapit na kasagsagan ng turismo at maipakita ang kagandahan ng bansa sa buong mundo.

Comments

Latest Newsmore