close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Dalawang Tagapagsalita ng Turismo ng Taiwan para hikayatin na Muling Bumisita sa Taiwan, ang Mas Maraming Turistang Pilipino na pumunta sa Timog

  • 23 December, 2024
  • 何薇薇
Dalawang Tagapagsalita ng Turismo ng Taiwan para hikayatin na Muling Bumisita sa Taiwan, ang Mas Maraming Turistang Pilipino na pumunta sa Timog

Sa simula ng taong ito, inanyayahan ng Taiwan Tourism Bureau ng Ministry of Transportation ang Filipina actress na si Gabbi Garcia at ang kanyang nobyong si Khalil Ramos na maging tagapagsalita para sa merkado ng turismo ng Taiwan sa Pilipinas. Noong Disyembre 13, magkasamang muling bumisita ang dalawa sa Taiwan, gamit ang ruta na mula hilaga papunta sa timog, upang hikayatin ang mga turistang Pilipino na magplano ng mas makulay at iba't ibang karanasan sa Taiwan ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa press release na inilabas ng Tourism Bureau noong Disyembre 15, ang Taiwan ay dalawang oras lang ang layo mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng eroplano. Dahil sa potensyal ng merkado ng mga Pilipinong turista, espesyal na inimbitahan ng ahensya si Gabbi Garcia, na mahilig sa tanawin, pagkain, at mabuting pakikitungo ng Taiwan, upang maging tagapagsalita kasama ang kanyang nobyo, ang sikat na modelo sa Pilipinas na si Khalil Ramos. Ginamit nila ang salitang Pilipino na "Panahon sa Taiwan Ang Iyong Love Story - Likhain ang Iyong Taiwan Love Story" bilang slogan upang itaguyod ang turismo ng Taiwan.

Tunay ngang malakas ang karisma ng dalawang tagapagsalita. Sa kanilang promosyon, makikitang malaki ang naging epekto nito dahil sa patuloy na pagdami ng mga turistang Pilipino sa Taiwan. Mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, mahigit 370,000 turista mula sa Pilipinas ang bumisita sa Taiwan, na mas mataas ng 35% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon (2023). Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa Southeast Asia sa dami ng mga turistang bumibisita sa Taiwan.

Comments

Latest Newsmore