Ayon sa ulat ng National Health Agency nung (ika-22), ang kanser sa bibig ay ikaapat na pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga kalalakihan dahil sa kanser. Ang mga taong ngumuya ng nganga ay may limang beses na mas mataas na posibilidad na magkaroon ng kanser sa upper respiratory tract. Kapag sinamahan pa ito ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, ang panganib ay tumataas hanggang 10.5 beses. Ang pagtigil sa nganga at paninigarilyo ay napatunayang epektibong paraan upang maiwasan ang kanser sa bibig. Hinihikayat ang publiko na agad itigil ang mga bisyong ito at regular na sumailalim sa screening para maagang matukoy at magamot ang sakit.
Batay sa datos mula sa Ministry of Health and Welfare noong 2021 at Cancer Registry ng National Health Agency noong 2019, mahigit 8,000 tao ang nagkakaroon ng kanser sa bibig taun-taon, at 3,000 sa kanila ang namamatay dahil dito. Ang kanser sa bibig ay ikaapat na nangungunang sanhi ng pagkamatay dahil sa kanser sa mga kalalakihan. Siyamnapung porsyento ng mga pasyente ng kanser sa bibig ay kalalakihan, kung saan 70% sa kanila ay may nakasanayang ngumuya ng nganga, at halos 90% ang gumagamit ng nganga o naninigarilyo.
Ayon kay Lin Li-Ju, pinuno ng Cancer Prevention Division ng National Health Agency, inihayag ng International Agency for Research on Cancer na ang nganga ay isang Class 1 carcinogen na tiyak na nagdudulot ng kanser sa tao. Ang pagnguya ng nganga ay nagpapataas ng panganib na magkaroon ng kanser sa bibig, lalamunan, esophagus, at iba pang bahagi ng upper respiratory tract nang hanggang limang beses. Kapag sinamahan ito ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, ang panganib na magka-kanser ay tumataas pa ng 10.5 beses.