close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang mga sunog sa kagubatan ay umaabot sa Timog California, at nag-donate ang Ministry of Foreign Affairs ng $500,000 upang tumulong sa kalamidad

  • 17 January, 2025
  • 呂曉倩
Ang mga sunog sa kagubatan ay umaabot sa Timog California, at nag-donate ang Ministry of Foreign Affairs ng $500,000 upang tumulong sa kalamidad
Photo from RTI

Ang mga kabundukan sa Timog California, USA, ay sinalanta ng malawakang sunog. Ngoong ika-16, inihayag ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) na nagpaabot na ang Tanggapan ng Ekonomiya at Kultura ng Taipei sa Los Angeles ng pakikiramay sa lokal na pamahalaan. Magbibigay rin ang MOFA ng donasyong USD 500,000 bilang tulong sa mga gawain ng pagtugon sa sakuna.

Ayon sa MOFA, ang sunog ay nagdulot ng malaking pinsala: hindi bababa sa 25 ang nasawi, mahigit 12,300 gusali ang nasira, at halos 90,000 tao ang lumikas. Ang kabuuang pinsala ay tinatayang umabot sa USD 150 bilyon. Ang donasyon ay ibibigay sa "Los Angeles Fire Department Foundation" (LAFD Foundation) para sa pagbili ng mga kagamitang pang-sakuna.

Dagdag pa rito, nakikipagtulungan ang tanggapan sa mga overseas Taiwanese at organisasyong pangkawanggawa tulad ng Tzu Chi at Fo Guang Shan. Nagbigay na sila ng libu-libong N95 mask para sa mga tagasagip, biktima, at paaralan. Marami ring grupo ang nag-organisa ng mga donasyon at nagbigay ng libreng tirahan.

Binigyang-diin ng MOFA ang matibay na ugnayan ng Taiwan at US. Sa diwa ng "Taiwan Can Help, and Taiwan is Helping," nagpaabot sila ng tulong upang mabilis na makabangon ang mga biktima at maibalik ang normal na buhay sa lugar.

Comments

Latest Newsmore