Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng sakit sa paghinga ngayong Lunar New Year, inihayag ni Minister of Health and Welfare Chiu Tai-Yuan ngayong Enero 24 na bibigyan ng insentibo ang mga klinikang nagbibigay ng serbisyong medikal at mga community pharmacy na mananatiling bukas mula Enero 28 hanggang Pebrero 2 (Lunar New Year's Eve hanggang ikalimang araw ng Bagong Taon). Ang doctor’s consultation fee at pharmacy service fee ay madaragdagan ng 30%, na may tinatayang kabuuang insentibo na NT$1.14 bilyon.
Pinaalalahanan din ng National Health Insurance Administration (NHI) ang publiko na panatilihin ang malusog na pagkain sa panahon ng holiday at iwasan ang labis na pagkain at pag-inom. Kung maglalakbay, bibisita sa mga kamag-anak, o pupunta sa matataong lugar, dapat tiyakin ang wastong personal na kalinisan at proteksyon.
Kung kinakailangang magpakonsulta sa Lunar New Year holiday, inirerekomenda ang pagpunta sa pinakamalapit na klinika. Batay sa pagsusuri ng doktor, kung kinakailangan ang mas malalim na paggamot, gagabayan ng doktor ang pasyente sa tamang ospital para sa karagdagang pangangalaga.