close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Masayang Pagdiriwang ng Bagong Taon para sa mga Migranteng Manggagawa sa Taoyuan Airport

  • 29 January, 2025
  • 何薇薇
Masayang Pagdiriwang ng Bagong Taon para sa mga Migranteng Manggagawa sa Taoyuan Airport

Ayon sa Taoyuan International Airport Corporation, mayroong mahigit 1,400 migranteng manggagawa na kasalukuyang nagtatrabaho sa pagtatayo ng ikatlong terminal. Upang maranasan nila ang diwa ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa Taiwan, inorganisa ang iba't ibang aktibidad gaya ng karaoke, table tennis, at sepak takraw. Bukod dito, inimbitahan din ang isang Thai na monghe upang magbigay ng basbas at panalangin.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga migranteng manggagawang nagtatrabaho sa proyekto ay mula sa Vietnam at Thailand, na may bilang na humigit-kumulang 700 bawat isa. Sa panahon ng Lunar New Year, katulad ng mga mamamayang Taiwanese, makakatanggap din sila ng holiday break. Walang nakatakdang gawaing konstruksyon sa panahong ito, maliban sa mga staff na naka-duty para sa inspeksyon sa lugar ng trabaho.

Ang mga kumpanyang Samsung at RSEA Engineering, na siyang pangunahing kontratista sa proyekto ng ikatlong terminal, ay nagsabing layunin nilang bigyan ang mga migranteng manggagawa ng masayang pagdiriwang ng Bagong Taon. Bilang bahagi ng selebrasyon, magkakaroon ng espesyal na handaan sa dormitoryo, pati na rin iba't ibang aktibidad upang sama-samang ipagdiwang ang Lunar New Year sa Taiwan.

Halimbawa, noong Lunar New Year ng 2024, nagbigay ang pamunuan ng masasarap na pagkain tulad ng seafood, baka, Korean kimchi, meryenda, at sariwang prutas. Dagdag pa rito, isinagawa rin ang mga aktibidad batay sa kultura ng bawat grupo ng migranteng manggagawa. Para sa mga manggagawang Vietnamese, na mayroon ding tradisyon ng pagdiriwang ng Lunar New Year, inorganisa ang karaoke singing contest, dance competition, arm wrestling, at table tennis tournament. Nagbigay rin ng red envelope o angpao bilang premyo sa mga nanalo.

Comments

Latest Newsmore