Ayon sa travel website na TTW, napili ang Nantou, Taiwan bilang isa sa pitong pinakamahusay na destinasyon sa Asya para sa malinis na hangin at mga adventure sa Pebrero. Matatagpuan sa Central Mountain Range, ang Nantou ay kilala sa tahimik nitong kapaligiran at ang Sun Moon Lake, na parang isang obra ng sining.
Inihayag ng Agoda ang pitong destinasyong kasama sa listahan, kabilang ang Sapporo, Japan; El Nido, Pilipinas; Singapore; Kuching, Malaysia; Gangneung, South Korea; at Koh Lipe, Thailand. Ang Sapporo ay tanyag sa Snow Festival, ang El Nido ay may magagandang beach, at ang Singapore ay kilala sa futuristikong skyline. Samantalang ang Kuching ay pinagsasama ang charm ng lungsod at kalikasan, at ang Gangneung ay sikat sa malinis na hangin at tanawin ng East Sea tuwing taglamig.