close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Kailan Magkakabisa ang Exemption sa Medical Assessment para sa Pag-hire ng Dayuhang Caregiver ng mga Mahigit 80 Taong Gulang?

  • 26 February, 2025
  • 何薇薇
Kailan Magkakabisa ang Exemption sa Medical Assessment para sa Pag-hire ng Dayuhang Caregiver ng mga Mahigit 80 Taong Gulang?

Ayon kay Minister of Labor Hung Shen-han, ang bagong batas na nagpapahintulot sa mga may edad 80 pataas na kumuha ng dayuhang caregiver nang hindi na dumadaan sa medical assessment ay hindi pa agad maipatutupad. Kailangan munang matapos ang mga kaugnay na regulasyon at patakaran, na tinatayang aabutin pa ng hindi bababa sa anim na buwan bago ganap na maipatupad.

Ang Artikulo 46 ng Employment Service Act ay naipasa na ng Legislative Yuan noong nakaraang taon at naaprubahan na rin sa pamamagitan ng Presidential Order. Gayunpaman, kailangan pang ihanda ng Ministry of Labor (MOL) ang mga kaugnay na regulasyon bago ito ganap na maisakatuparan.

Paghahanda ng mga Kaugnay na Patakaran

Sa isang press conference noong Pebrero 19, sinabi ni Hung Shen-han na simula Enero at Pebrero, nakipag-ugnayan na ang MOL sa Ministry of Health and Welfare (MOHW) upang paghandaan ang implementasyon ng bagong batas. Layunin nilang bawasan ang posibleng negatibong epekto nito sa mga pamilyang may pasyenteng may malubhang karamdaman.

Bago pa man maaprubahan ang batas, ilang beses nang binigyang-diin ng MOL na maaaring magkaroon ito ng hindi inaasahang epekto sa mga pamilyang may malubhang sakit. Dahil dito, magkakaroon ng konsultasyon sa pagitan ng MOL, MOHW, mga espesyalistang doktor, organisasyong pangkalusugan, at mga grupo ng tagapag-alaga ng pamilya upang talakayin ang pamantayan sa pagsusuri at pamamaraan ng pagpapatupad ng bagong batas.

Comments

Latest Newsmore