close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ministry of Labor: Maternity and Paternity Leave Allowance Plan to Extend to 7 Months, More Flexible Parental Leave Expected

  • 18 March, 2025
  • 何薇薇
Ministry of Labor: Maternity and Paternity Leave Allowance Plan to Extend to 7 Months, More Flexible Parental Leave Expected

Upang lumikha ng isang mas child-friendly na kapaligiran sa trabaho at matulungan ang mga kababaihan na makabalik sa kanilang mga trabaho, inihayag ng Ministry of Labor nuong (ika-5 ng Marso) na kanilang pag-aaralan ang pag-amyenda sa Employment Insurance Act ngayong taon. Ang panukalang pagbabago ay magbibigay-daan sa parehong magulang na nakatanggap na ng 6 na buwang maternity o paternity leave allowance na makatanggap ng dagdag pang isang buwan na benepisyo. Tinatayang mahigit 21,000 katao ang makikinabang dito, at kung tataas pa ng 10% ang bilang ng mga benepisyaryo, ang karagdagang pondo ay aabot sa NT$60 milyon kada taon.

Sa ginanap na press conference ng Ministry of Labor noong ika-5 ng buwan na may temang “Tulong sa Kababaihan sa Pagtatrabaho, Ligtas na Pagbabalik sa Trabaho”, inilahad ng ahensya ang kanilang plano na baguhin ang Employment Insurance Act. Ayon sa kanilang pagsusuri, kung parehong magulang ang nakatanggap ng 6 na buwang leave allowance, nais nilang magdagdag ng isang buwang benepisyo para sa bawat isa. Layunin nitong bawasan ang pasaning pinansyal ng mga bagong magulang sa panahon ng parental leave at itaguyod ang mas pantay na paghahati ng mga gawaing bahay sa pamamagitan ng mas mahabang panahong kasama ang kanilang anak.

Ayon sa datos ng Ministry of Labor para sa taong 2023, mahigit 15,000 katao ang nakatanggap ng buong 6 na buwang maternity o paternity leave allowance. Kung ipatutupad ang panukalang pagpapalawig ng isang buwan, aabot sa 21,000 katao ang makikinabang. Batay sa bilang na ito, kung 60% ng suweldo ang magiging batayan ng allowance, madadagdagan ng NT$450 milyon kada taon ang pondo para sa benepisyo. Samantala, kung 20% lamang ng suweldo ang magiging batayan, madadagdagan ito ng NT$150 milyon kada taon.

Ipinaliwanag din ng Ministry of Labor na kung tataas ang bilang ng mga magulang na mag-aapply para sa extended parental leave, bawat 10% na pagtaas sa bilang ng benepisyaryo ay mangangailangan ng karagdagang NT$60 milyon taun-taon.

Comments

Latest Newsmore