Ang mga trabaho sa sektor ng pangangahoy ay madalas na nangangailangan ng maraming manggagawa, kaya't may mga employer na kumukuha ng migranteng manggagawa upang tumulong. Nuong (ika-4 ng Marso), nagpaalala ang Ministry of Labor na anumang employer na kumukuha ng migranteng manggagawa, maging ito man ay isang pribadong may-ari ng taniman o isang organisasyong gumagamit ng agricultural outreach services, ay kailangang magparehistro sa Bureau of Labor Insurance (BLI) upang maipabilang ang kanilang mga manggagawa sa labor insurance.
1. Mandatoryong Labor Insurance para sa Ilang Employer
Ayon sa Labor Insurance Act, ang mga kumpanyang may limang (5) o higit pang manggagawa—kabilang ang mga taniman, kooperatiba, o non-profit organizations—ay obligadong iparehistro sa labor insurance ang lahat ng kanilang manggagawa, lokal man o dayuhan.
Kung apat (4) o mas kaunti ang manggagawa, maaaring boluntaryong magparehistro ang employer. Gayunpaman, anuman ang bilang ng empleyado, obligado pa rin ang employer na kumuha ng occupational accident insurance para sa kanilang mga migranteng manggagawa alinsunod sa Occupational Accident Insurance and Protection Act upang matiyak na makatatanggap sila ng kompensasyon sakaling magkaroon ng aksidente sa trabaho.
2. Mga Migranteng Manggagawa sa Agricultural Outreach Programs
Upang matugunan ang kakulangan ng manggagawa sa sektor ng agrikultura at pangangahoy, may mga farmers’ associations o cooperatives na gumagamit ng outreach programs upang pansamantalang i-deploy ang mga migranteng manggagawa sa iba’t ibang taniman o sakahan. Nagpaalala ang Ministry of Labor na kahit panandalian lamang ang pagtatrabaho ng mga migranteng manggagawa, responsibilidad pa rin ng farmers’ association o cooperative na tiyakin na ang kanilang mga empleyado ay may sapat na labor insurance at occupational accident insurance.
.3. Importansya ng Labor Insurance at Occupational Accident Insurance
Binigyang-diin ng Ministry of Labor na ang pangangahoy ay isang mapanganib na trabaho, kaya’t ang pagkakaroon ng labor insurance at occupational accident insurance ay hindi lamang isang legal na obligasyon kundi isa ring mahalagang proteksyon para sa parehong employer at manggagawa.
Pinapayuhan ang mga employer na unawain ang mga nauugnay na regulasyon at kumonsulta sa Bureau of Labor Insurance o Ministry of Labor upang maiwasan ang anumang legal na pananagutan dulot ng kakulangan sa insurance coverage para sa kanilang mga manggagawa.